TRENDING ang noontime show na “Lunch Out Loud” dahil sa ginawang pag-call out ng mga Super Junior fans sa mga insensitive jokes na binitawan ng mga hosts sa programa ukol sa Kpop group.
Sa isang segment ng programa na “Maritest” kung saang naging guest contestant ang komedyanteng si Pooh ay nagkabiruan sila nina Alex Gonzaga at iba pang mga hosts ng show sa isa sa mga tanong na patungkol sa Korean boy group.
“Sa concert scene sa Pilipinas, aling K-pop group ang nag-cancel ng show recently dahil ang tatay ng isa sa member ay pumanaw?” tanong ni Alex kay Pooh.
Aminado si Pooh na wala siyang masyadong alam ukol sa mga Kpop at hindi niya alam ang sagot.
Agad namang humingi ng tulong ang komedyante sa mga hosts at ang Super Junior nga raw ang dapat niyang piliin na sinunod naman niya.
Pero bago pa man sabihin ni Alex ang tamang sagot ay nagbiro ang co-host niyang si Wacky Kiray.
“Mahilig pa naman si Pooh sa mga Super Junior,” sey niya.
Sinabi naman ni Alex na tama ang napili niyang sagot.
“Ang tatay kasi ng member na si EunHyuk ay namatay kaya kinansel muna nila, which is understandable. Pero sana ibalik pa rin nila, siguro ia-announce na lang nila yun anytime,” sey ni Alex.
Pagbibiro naman ni Pooh, “Akala ko, which is understandable sana binuhay na ulit.”
Marami sa mga ELFs, tawag sa mga tagasuporta ng Super Junior, dahil naging insensitive daw ang mga ito sa pagbibitaw ng mga jokes.
Hindi raw ito katanggap-tanggap lalo na’t hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang buong fandom sa pagpanaw ng ama ng Kpop group member na si Eunhyuk.
Kasabay ng pag-call out ng mga netizens sa hosts ay ang pag-trending ng hashtag na #CancelTropangLOL
“Suju or not. Kpop or not. Celebrity or not. NEVER EVER MAKE JOKES ABOUT SOMEONE’S LOSS AND TRAGEDY,” saad nito.
Comment naman ng isa, “Comedians in the Philippines should atleast take note of sensitivity when making jokes. Try to find new humor without making fun of people and their pain kasi you become jerks at the end of the day instead of entertainers.”
Maging ang K-pop concert producer na si Happee Sy-Go.
Aniya, ang nangyari sa Super Junior at sa mga tagasuporta ng mga ito ay hindi madaling maintindihan ng nakararami.
“What happened last August 6 between ELFs and SJ can never be understood by common folks. Only those who had followed them all these years can.. for me, I started last 2009. That’s 13 years of friendship and familiarity.. they have become family.
” It was a painful time for all me & everyone who had been with them for yrs. When they hurt, we hurt. That’s how it is. We turn to them during our lowest moments, & they’ve learned to trust us with their vulnerabilities during theirs. It was a bittersweet day,” pagbabahagi niya.
Humingi naman ng respeto ang concert producer sa mga tao sa pinagdaraanan ng Super Junior fandom.
Nilinaw rin niya na hindi naman cancelled ang concert bagkus ay postponed lang.
Related Chika:
‘LOL’ nina Billy at Alex sa TV5 tinatalo sa ratings game ang ‘Showtime’ nina Vice
Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga sa ‘Lunch Out Loud’?