Matteo Guidicelli lilipat na sa GMA, magiging host ng ‘Unang Hirit’

Matteo Guidicelli lilipat na sa GMA, magiging host ng 'Unang Hirit'
KUMPIRMADO na ang paglipat ng Viva artist at asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli sa bakuran ng GMA Network.

Noong pang June 2022 ay may mga haka-haka nang mag-oober da bakod na ang aktor ngunit wala namang nagkukumpirma kung totoo nga ba ito or chika lamang.

At ngayong buwan nga ay sigurado na ang paglipat ni Matteo at magiging certified Kapuso na siya.

Bukod sa kanyang paglipat na mangyayari bago matapos ang buwan na ito ay magiging parte rin siya ng morning talk show na “Unang Hirit”.

Paniguradong magiging malaki ang kontribusyon ni Matteo sa pagiging bahagi ng Kapuso morning talk show dahil napakarami na rin ng kanyang mga naging karanasan bilang aktor, military reservist ng Philippine army, at pagiging businessman.

Dagdag pa rito na maaring makapag-share rin ang aktor sa pagiging fit at mga tips sa mga kapwa lalaki na naghahanda sa pagpapamilya.

Bukod pa rito ay hindi na rin naman bago kay Matteo ang pagiging host dahil bago pa man ang pagiging parte ng “Unang Hirit” ay naging host na rin ito sa TV shows gaya ng “The Biggest Loser Pinoy Edition: Doubles” at “Born To Be A Star”.

Isa pa, tila comeback na rin niya ito sa Kamuning compound dahil minsan na rin siya naging parte ng Kapuso Sunday noontime musical-variety show na “SOP Fully Charged”.

Nang bisitahin naman namin ang kanyang Instagram ay abala ito sa pagsuporta sa kanyang asawang si Sarah Geronimo na may bagong labas na single na may title na “Duyan”.

Related Chika:
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli walang ineendorsong kandidato, kumakalat na video ‘fake news’

Bea Alonzo sa paglipat sa GMA 7: I’m excited, I’m nervous, I’m scared…

Matteo Guidicelli sinagot ang pregnancy rumors tungkol kay Sarah: Ang sexy nga ng asawa ko!

Read more...