Kylie Padilla inalala ang breastfeeding journey: Still one of my favorite parts of motherhood

Kylie Padilla inalala ang breastfeeding journey: Still one of my favorite parts of motherhood
INAMIN ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na isa sa mga naging rason bakit natagalan ang kanyang pagbabalik showbiz matapos niyang isilang ang mga anak.

Aniya, ito ay dahil nais niyang lumaki sa breastfeeding ang dalawang anak kay Aljur Abrenica na sina Alas at Axl.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Kylie ang kanyang larawan habang nagpapa-breastfeed siya ng kanyang anak.

“I remember part of why I delayed going back to work right away was because I wanted to breastfeed my kids directly,” saad ng aktres.

Amin pa niya, ayaw rin talaga niya ang pumping.

Chika ni Kylie, “For me, the intimacy and connection I built with my kids through breastfeeding was so hard to give up kahit sobrang hirap to be available anytime and all the time.”

Pagpapatuloy pa niya, “I had no control over my body but the eye contact, the skin to skin and the slowly watching my kids fall asleep and feeling their heartbeat slow is the closest physical feeling of love I’ve ever experienced.”

At ngayon ngang binabalikan niya ang mga memories noong nagpapa-breastfeed pa siya, masayw siya na ginawa niya ito.

“Now when I look back on it I’m happy I did it. Both boys I was able to breastfeed for over a year,” sey ni Kylie.

“It’s still one of my favourite parts of motherhood. Would do it all over again in a heartbeat,” dagdag pa niya.

Nag-share si Kylie ng kanyang experience sa kanyang motherhood bilang pag-celebrate ng buwan ng breastfeeding.

Marami naman sa mga netizens ang relate na relate sa aktres dahil pinagdaanan rin nila ang breastfeeding sa kanilang mga anak.

“Yes, proud breastfeeding mother here! Lahat sila breastfeeding. That was the best experience of motherhood,” comment ng isang netizen.


Saad naman ng isa, “You’re such a brave woman. You are loved. You deserve all the happiness.”

“I can attest that my breastfeeding did a good job to my kids performance in school, they were both achievers until their tertiary education,” sey pa ng isa.

Related Chika:
Kylie inatake ng anxiety habang nasa shooting, ‘ginamot’ ng alagang aso: Canine therapy is real!

Anne may napatunayan nang isilang si Baby Dahlia: Totoo pala ‘yon, mas spoiled pa ang apo!

Sey ni Kylie Padilla ngayong single na uli siya: Ang dami kong natututunan sa sarili ko…pero siyempre, masakit pa rin

Read more...