Julius Babao ibinalitang hindi matatanggal ang mga staff na nagkamali sa kanyang pizza order

Julius Babao ibinalitang hindi matatanggal ang mga staff na nagkamali sa kanyang pizza order:
SA kabila ng trending na pagkamamali ng mga staff ng isang pizza parlor ukol sa naging order ng mamamahayag na si Julius Babao ay hindi naman ito maliligwak sa trabaho.

Ibinahagi ng news anchor sa kanyang Instagram account na personal na nagpadala ang president at CEO ng pizza parlor na kanyang inireklamo matapos makita na may plastic sa loob ang pizza na dumating sa kanila.

“Thank you Mr. Vic Gregorio, Shakey’s President & CEO for assuring me that steps will be made to prevent another incident of the ‘pizza-plastic’ blunder from happening again,” saad ni Julius.

Nakuha raw ng president at CEO ang number niya sa aktor na si Luis Manzano at may permiso naman daw ito mula sa TV5 news anchor.

Siniguro rin ng TV5 news anchor na walang matatanggal sa trabaho lalo na’t nag-viral ang kanyang reklamo.

“And that employees at fault will not be terminated from his/her job,” pagpapatuloy pa ni Julius.

Ayon sa mensahe ng CEO at president ng pizza parlor, “The staff involved will not lose their jobs because our initial findings show the deviation was not intentional. Even if some deviations like this hurt our brand image and reputation, we always give our staffs the full benefit of the doubt.”

Tiniyak rin nito na hindi dahil sikat si Julius ay may “special treatment” ito. Pantay-pantay raw ang kanilang standard operating procedure o SOP sa bawat customer na nagrereklamo sa kanila at ito ang kanilang sinusunod.

Matatadaang nitong Linggo, Agosto 7, nag-post sa kanyang social media pages matapos mapansin na may plastic sa gitna biniling pizza.

“Look @shakeysph yung pizza na inorder namin niluto ng may PLASTIC!!!! Buti di namin nakain!” saad ni Julius.

Naglabas naman ng official statement a f naturang pizza sa ukol sa isyu at iniimbestigan na ng kanilang management ang mga pangyayari.

Related Chika:
Julius Babao nagreklamo sa natanggap na order, dawit na pizza parlor naglabas ng official statement

Julius Babao inalok ding sumabak sa politika: It has crossed my mind pero hindi ko talaga sineryoso

Julius Babao nagpaalam na sa ABS-CBN, papalitan daw si Raffy Tulfo sa news program ng TV5

Read more...