NANAWAGAN ang labor leader at isa sa mga kumandidato sa pagkapresidente na si Ka Leody de Guzman ukol sa pagkakaaresto ng kanyang running mate sa pagkabise presidente na si Walden Bello.
Para sa labor leader, hindi makatarungan ang kasong cyberlibel na isinampa laban rito dahil ang rason ng pagsampa ng kaso ay para patahimikin ito.
Saad ni Ka Leody, “Hindi kailanman magiging makatwiran ang kasong cyberlibel laban kay Walden Bello dahil malinaw na ang motibasyon sa likuran nito ay pampulitikang panunupil.
Dagdag pa nito, “Panunupil laban sa mga kritiko, pati na rin sa lahat ng kritikal sa kanilang administrasyon. Anumang pakana ng administrasyon ay mabibigo.”
Nanawagan rin siya sa Department of Justice na sana ay ipawalang bisa ng ahensya ang arrest warrant na Bello at isabatas ang pagdedekriminalisa ang kasong libel.
Matatandaang mismong staff ng dating kandidato sa pagkabise presidente na si Leomar Doctolero ang nagkumpirma ng pag-aresto ng dating vice presidential candidate na nag-ugat mula sa reklamo ni dating Davao City information officer Jefry Tupas na nagtrabaho sa ilalim ng administration ni Vice President Sara Duterte noong mayor pa siya ng Davao City.
Nag-tweet rin si Bello nitong Martes, August 9 at sinabing hindi siya mapapatahimik sa pamamagitan ng paghahain ng kaso laban sa kanya gaya na lamang ng cyberlibel case.
“Arrested late afternoon Monday on silly charge of cyberlibel posted by the camp of Sarah Duterte. These people are mistaken if they think they can silence me and suppress my exercise of free speech,” tweet niya.
Arrested late afternoon Monday on silly charge of cyberlibel posted by the camp of Sarah Duterte. These people are mistaken if they think they can silence me and suppress my exercise of free speech.
— Walden Bello (@WaldenBello) August 8, 2022
Sa isa ring ambush interview ay nanindigan rin siya na isang political persecution ang kasong cyberlibel na inihain laban sa kanya.
Matatandaang isa si Walden Bello sa mga kritiko ng administrasyon ni Duterte at maging ng kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Bongbong Marcos at isa sa mga naging katunggali ni VP Sara Duterte sa nagdaang eleksyon.
Other stories:
Ping Lacson, Bongbong Marcos, Ka Leody nakaboto na sa kani-kanilang voting precinct
Jayke Joson sinampahan ng cyberlibel si Annabelle Rama: Hindi ka rin namin aatrasan doon
Vico Sotto hindi apektado sa cyberlibel case na isinampa ni Iyo Bernardo: It’s nothing personal…