Regine permanente nang host ng 'Magandang Buhay': Hindi ko alam, pero kabadung-kabado ako! Bandera

Regine permanente nang host ng ‘Magandang Buhay’: Hindi ko alam, pero kabadung-kabado ako!

Ervin Santiago |August 08,2022
share this

Regine permanente nang host ng ‘Magandang Buhay’: Hindi ko alam, pero kabadung-kabado ako!

Ervin Santiago - August 08, 2022 - 03:22 PM

Melai Cantiveros, Regine Velasquez at Jolina Magdangal

KUMPIRMADO na! Permanente nang bahagi ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ng Kapamilya morning talk show na “Magandang Buhay.”

Kaninang umaga, inanunsyo na nga ang pagbabalik at pagiging regular co-host ng singer-actress sa “Magandang Buhay” bilang bahagi ng ikaanim na taong selebrasyon ng programa.

Super thankful ang OPM icon sa ABS-CBN at sa buong production kabilang na nga ang kanyang mga co-host na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros pati na rin sa dating host ng show na si Karla Estrada.

“Gusto rin nating magpasalamat siyempre kay Momshie Karla, who’s been with Magandang Buhay for six years.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


“She has become part of this show so thank you very much and happy anniversary to you also. Siyempre bahagi talaga siya ng ‘MB,'” pahayag ni Regine.

Pag-amin pa ng wifey ni Ogie Alcasid, “Kinakabahan ako, hindi ko alam. Pang-ilang beses ko na rito pero for some reason since I’m officially going to be part of Magandang Buhay, today I’m so nervous. Kabadung-kabado talaga ako.”

“Siyempre I’m very excited. But I’m just a little nervous. Siguro kasi kasama ‘yun…siyempre kasi kapag naging host ka, there’s a certain responsibility. But I’m happy. I’m very, very happy to be part finally of ‘Magandang Buhay,'” sabi pa ni Regine.

Last month, tuluyan nang nag-goodbye si Karla sa “Magandang Buhay” matapos ang anim na taong pamamalagi sa show.

Nang magtungo si Regine sa Amerika para sa “ICONIC” concert nila ni Sharon Cuneta, pansamantala namang pumalit sa kanya ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.

Karla Estrada may pa-farewell party sa Magandang Buhay; inalok nga ba ni Willie ng show sa AMBS 2?

Regine tuluyan na bang papalitan si Karla sa ‘Magandang Buhay’ dahil sa pagsabak nito sa politika?

Judy Ann magbabalik telebisyon na, papalitan si Regine sa ‘Magandang Buhay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending