Morly Alinio ng ‘Showbiz Now Na’ nanawagan ukol sa patakaran ng isang ospital: Mahirap pala ang maging mahirap

Morly Alinio ng 'Showbiz Now Na' nanawagan kung tama ba ang patakaran ng isang ospital: Mahirap pala ang maging mahirap
GUSTO naming bigyan ng daan ang panawagan ng co-host nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika na si Morly Alinio sa “Showbiz Now Na” vlog sa YouTube channel dahil humihingi siya ng tulong kina Ka Tunying Taberna at kasama nitong si Gerry Baja plus kina Deo Macalma, Angelo Palmones, Senators Raffy Tulfo at Robin Padilla dahil gusto niyang itanong kung tama baa ng patakaran ng San Lazaro Hospital kung saan dinala niya ang sarili para maturukan ng anti-rabies dahil nakagat siya ng aso.

Pinost ni Morly sa kanyang Facebook account ang mga reseta at namamagang paa sanhi ng kagat ng aso.

Ang caption ni Morly, “Paging: Dos por Dos (KA Tunying At kasamang Gerry Baja) Boss Cezar Chavez, Deo Macalma, Angelo Palmones, Sen. RAFFY TULFO, and Senator ROBIN PADILLA. Gusto ko lang po sanang magtanong kaugnay nang nangyari sa akin sa SAN LAZARO HOSPITAL.”

Aniya, noong Miyerkules, Agosto 3, habang nagre-report siya sa kanyang programa ayy biglang nag-away dalawang aso na katabi niya at bago pa man siya makaiwas ay nakagat na siya ng mga ito.

Pagpapatuloy ni Morly, “Bagamat ako ay isang reporter ay hindi ko ikinahihiyang mahirap lang ako. Kaya nu’ng makagat ako ng aso ay unang pumasok sa utak ko ang SAN LAZARO dahil sa pagkakaalam ko ito ang Ospital naming mahihirap.

“Pagdating ko sa SAN LAZARO ay maayos naman akong inasikaso. Maganda ang naging pakikitungo sa akin ni Doc. Kamille Almonte.
Pagdating raw niya sa ospital ay maayos naman siyang inasikaso at pinabili siya ng gamot ngunit nagkulang ang kanyang pera kaya nagtanong siya sa assistant nurse kung maaari siyang maka-discount.

Emergency na matatawag ang kaso ni Morly dahil baka kumalat ang rabies sa katawan niya kaya dapat ay iniksyunan na siya ng mga oras na iyon.

Pero ang sagot sa kanya ng taga-San Lazaro Hospital, “Bukas ng umaga agahan mo ang pila sa OPD baka makalibre ka sa “malasakit’, ito ay project ni Sen.Bong Go.”

Puyat man si Morly ay sinikap niyang makarating ng maaga sa ospital at pumila. Pagkatapos pumila ng mahaba ay sinabihan siya ng, “Sir ayusin mo muna ang Philhealth mo para maka-discount ka.”

Tanong niya, “Sir hindi ba puwedeng gamutin n’yo muna ako. Baka kasi matamaan ako ng rabies” pagmamakaawa ko.”

Pero matigas ang taga-San Lazaro Hospital at sinabing “Hindi. Kailangan mong ayusin ang Philheath mo. Punta ka sa office n’yo. At papirmahan mo itong application. O kung gusto mo bayaran mo muna sa cashier tapos i-refund mo na lang. Mga 2 or 3 months darating ang refund mo.”

Ayon kay Morly, “P2700 pesos daw ang mababawas pag ginamit ko Philhealth.

“Sir puwede bang 3k muna ang ibayad Ito lang po kasi ang pera ko,” pakiusap niya.

Buhay na ang nakataya kaya nagpakababa siya sa mas mababa at naramdaman na babagsak na ang kanyang luha.

Doon naisip ni Morly na baka pwede siyang lumapit sa “Malasakit”.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi raw siya pupwedeng humingi ng tulong sa project ni Bong Go dahil may trabaho siya at Philhealth member.

Nakaramdam raw ng pagsisisi si Morly kaya naman nasabi niya na sana’y nagsinungaling na lamang siya nang tanungin siya ngunit kahit naman daw ganoon ayy malalaman rin ito ng staff dahil makikita ito sa files nila sa computer.

“At dun bumagsak ang luha ko. Iyak ako ng iyak. Pag may Philheath ka pala kailangan mo munang ayusin ang papeles mo bago ka gamutin. Pero pag wala kang work ay nariyan ang MALASAKIT at agad nilang inaasikaso at nilalapatan ng gamot,” pagbabahagi ni Morly.

“Nagtanong ako sa aking sarili: GANITO BA TALAGA- mas priority sa SAN LAZARO ang mga walang trabaho kesa sa mga tax payers na tumutulong sa Gobyerno? Mainit na ang sikat ng araw. Iika-ika kong maglakad pero tiniis ko ‘yun makarating lang sa aming office,” pagpapatuloy niyya.

Nang makarating raw siya sa kanilang opisina ay nagpunta siya sa kanilang HR ngunit sa accounting siya pinapunta.

“Hindi na ako umakyat pa sa accounting dahil buhay na ang “inilalaban” ko dito. KAILANGAN KONG MAGMADALI. Nagwithdraw ako ng 5k sa aking passbook. At agad na nagtuloy na ako sa San lazaro para bumili ng gamot,” sey ni Morly.

At habang ini-inject sa kanyang hita ang anti-rabies ay iyak nang iyak ang reporter.

“Hindi dahil sa nasasaktan ako sa malalaking karayom- naiyak ako kasi mahirap pala ang maging mahirap lalo kapag ikaw ay may PHILHEALTH,” dagdag pa ni Morly.

 

Other stories:
Comedian-director Phillip Lazaro pumanaw na: ‘Direk, bakit mo naman kami iniwan agad?’

Kris Aquino natuloy nga ba sa paglipad patungong Amerika?

Read more...