Baby shower para sa anak nina Angelica at Gregg star-studded, hirit ni Anne: 'So, excited for you guys!' | Bandera

Baby shower para sa anak nina Angelica at Gregg star-studded, hirit ni Anne: ‘So, excited for you guys!’

Ervin Santiago |August 01,2022
facebook
share this

Baby shower para sa anak nina Angelica at Gregg star-studded, hirit ni Anne: ‘So, excited for you guys!’

Ervin Santiago - August 01, 2022 - 01:29 PM

Angelica Panganiban, Gregg Homan at Anne Curtis

GANDANG-GANDA ang mga netizens sa Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ngayong buntis na ito at malapit nang manganak.

Isa raw ang aktres sa iilang celebrities na glowing at blooming habang nagbubuntis. Kitang-kita raw ito sa mga litrato at video na ipino-post ni Angge sa social media.

Tulad na lang ng mga photos na ibinahagi ng kanyang mga kapamilya at kaibigan sa loob at labas ng showbiz na kuha sa naganap na baby shower para sa first child nila ng non-showbiz partner na si Gregg Homan.

Kung hindi kami nagkakamali, kahapon, July 31, naganap ang intimate baby shower para sa unang anak nina Angelica at Gregg.

Naroon nga ang mga close friends ng future celebrity mom tulad nina Anne Curtis, Angel Locsin at Maxene Magalona.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikka Marcaida (@mikkamarcaida)


Sa Instagram Story ni Anne, nag-post siya ng litrato nila nina Gregg at Angelica at dito nga niya sinabi na super excited na siya para sa pagiging parents ng mga kaibigan at hindi na siya makapaghintay na makita ang anak ni Angge.

Dumalo rin ang ang mga co-stars niya sa iWantTFC series na “Call Me Tita” na sina Cherry Pie Picache at Agot Isidro, at ang iba pa niyang celebrity friends like Alora Sasam, Ryan Bang, DJ Jhai Ho at ang blockbuster director na si Dan Villegas.

Noong nagdaang Marso ibinandera nina Angelica at Gregg na magiging mommy at daddy na sila at kasunod nito ang kanilang pa-gender reveal party — and yes, they are expecting a baby girl.

View this post on Instagram

A post shared by JhaiHo (@mor1019jhaiho)


Sa isang Instagram post ni Angelica nagbahagi siya ng kanyang nararamdaman habang papalapit nang papalapit ang pagsilang ng kanyang first baby.

“Napaka-overwhelming ng lahat ng ito. Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakakatakot, hindi ka pala magdadalawang isip magbigay lang ng magbigay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang sarap makaramdam ng purong pagmamahal. Ganito pala yung pagmamahal ng ina,” sey ng aktres.
Nitong nagdaang July naman ay nag-celebrate sina Angelica at Gregg ng kanilang second anniversary.

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

Angelica naniniwalang magiging mabuti at responsableng tatay si Gregg: Happy Father’s Day my Love!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending