PINAGDIINAN ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech kahapon na bakit sila lang nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Bong Revilla ang tinuturo sa pork barrel scam samantalang maraming ibang mambabatas ang sangkot din?
Bakit selective yata ang Commission on Audit (COA) sa pagbanggit ng kanilang pangalan kahit na maraming iba pa ang sangkot sa pork barrel scandal?
Madetalye ang exposé ni Jinggoy pero walang anghang at mahina ang tama sa mga kinauukulan.
In fact, boring o nakababagot ang kanyang speech.
People expected an earth-shaking exposé pero dismayado sila.
Yun mga may alam na in advance kung ano ang central theme ng kanyang privilege—gaya ng panunuhol diumano sa mga senador na bumoto na i-convict si Chief Justice Renato Corona sa impeachment— ay disappointed sa kanyang sinabi.
Ang panunuhol ay galing sa Palasyo, sabi ni Estrada.
Yung mga senador na bumoto na i-convict si Corona ay tumanggap nga ng P50 million pero ito’y matapos nilang ibinoto na paalisin si Corona bilang Chief Justice.
Hindi naman pala sila pinangakuan ng malaking halaga bago pa man magbotohan.
At ang halaga ay dagdag sa kanilang pork barrel.
Hindi bribery o panunuhol ang halaga dahil ito’y binigay matapos ang conviction at hindi bago magbigay ng kanilang desisyon ang mga nasabing senador.
At ang perang binigay sa kanila ay hindi galing sa bulsa ni Pangulong Noy na nag-lobby na i-convict si Corona kundi galing sa national budget.
Isa pa, hindi cash ang binigay sa mga senador kundi additional funding sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.
Pero tama si Jinggoy sa kanyang tinuran na lahat ay nagkasala sa pork barrel scam dahil sila’y biktima ng maling sistema.
Ang mga mambabatas na nakisawsaw sa pork barrel scam ay walang karapatang akusahan ang iba nilang kasamahan.
Sabi pa ni Jinggoy, “When they pointed an accusing finger at another they were pointing three fingers at themselves.”
Tama rin si Jinggoy sa kanyang sinabi na dapat sisihin din ang mga COA resident auditors ng Senado, Kamara de Representantes at Department of Budget and Management sa pag-release ng irregular na PDAF.
Ang resident auditor kasi ay puwedeng pigilin ang pag-release ng pondo galing sa isang government agency. Sasabihin lang ng auditor na unauthorized ang release ng pondo.
Maraming COA auditors ang yumayaman dahil kasabwat sila sa pangungurakot ng mga opisyal ng ahensiya ng gobiyerno kung saan sila ay naka-assign.
Kapag kayo ay sasama o mag-sponsor ng isang outreach program o medical mission, siguraduhin lang ninyo na wala kayong kasamang mga sundalong nakauniporme at nakabaril.
Pinagbabaril ang outreach caravan sa Camalig, Albay ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaan na miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ang dahilan ay may kasamang mga sundalo na armado.
Kung ang pakay ninyo ay tumulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng gamot, bakit pa kailangan ninyo ng armed escort?
Ang mga nakaunipormeng sundalo ay imbitasyon ng pag-ambush ng mga NPA.
Kung ayaw ninyong maniwala, tingnan na lang ninyo ang mga sasakyan na punong-puno ng sibilyan na inambus dahil may mga sundalong sakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.