NAGPAKITA ng pagsuporta ang aktres na si G Tongi sa pelikula ni Direk Vince Tañada na “Katips”.
Ibinahagi niya ang kanyang interes na mapanood ang naturang pelikula sa kanyang Twitter account nang i-retweet niya ang artcard ng Inquirer.net ukol rito.
“Here’s a film I want to watch about the student activism during the time of the Marcos Dictatorship. Katips! Let me know what you all think!” saad ni G Tongi.
Sa darating na Miyerkoles, Agosto 3, ipapalabas ang “Katips” kasabay ng “Maid in Malacañang” na produced naman ng Viva Films sa direksyon ni Darryl Yap.
Matatandaang nitong buwan lang nang muling nag-trending si G Tongi matapos siyang batikusin ng mga bashers nang magpatutsada siya sa isang pelikula na malapit nang ipalabas at tinawag itong “propaganda”.
Here’s a film I want to watch about the student activism during the time of the Marcos Dictatorship. Katips! Let me know what you all think! pic.twitter.com/JJP5ZOtSlk
— Giselle Töngi (@gtongi) July 29, 2022
“I don’t know how to feel about this new film coming out. How does one distinguish propaganda vs art?” sey ng aktres.
Hiling nga niya na sana ay magkaroon ng media literacy skills ang mga Pilipino kapag napanood na nila ang pelikula.
Dagdag pa ni G Tongi, “I just hope it doesn’t glorify the evils of an administration that caused many Filipinos to suffer. I challenge you to up your media literacy skills & distinguish between the 2.”
Nag-trending rin siya nang punahin niya ang aktres na si Ella Cruz ukol sa naging pagkukumpara nito sa kasaysayan.
“@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles. I would love to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who (were) part of a history you are dismissing as here say,” pagbabahagi ni G Tongi.
Dagdag pa niya, “Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!”
Nagkatrabaho sina G Tongi at Ella Cruz sa Kapamilya teleserye na “Aryana”.
Related Chika:
G Tongi naturukan na ng COVID-19 vaccine sa US, kabilang nga ba sa frontliners?
Vince Tañada inilaban na mapanood sa mas maraming sinehan ang ‘Katips’
Vince Tañada tatapatan ng ‘Katips’ ang ‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap