MARAMI ang naimbyerna sa Kapuso TV host at weather anchor na si Kim Atienza sa diumano’y “homophobic” tweet nito patungkol sa monkeypox.
Kahapon kasi ay naging sentro ng usap-usapan ang nakahahawang sakit matapos maitala ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay nagbahagi si Kuya Kim ng kanyang mga nalalaman ukol sa sakit dahil may nagtanong sa kanya kung ano nga ba ang kaibahan ng bagong sakit sa chickenpox o bulutong.
Aware naman ang lahat na nakilala ang dating “It’s Showtime” host sa pagbibigay ng trivia at karagdagang kaalaman ukol sa mga bagay-bagay.
At ngayong umaga nga ay sinagot ni Kuya Kim ang katanungan ng isang netizen sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
“Chicken pox is less severe and the virus is airborne. Monkey pox is sexually transmitted, usually M to M,” diretsahan niyang sagot.
Ang ibig sabihin ng M to M sa tweet ni Kuya Kim ay man to man or male to male o pagtatalik sa pagitan ng dalawang kalalakihan.
Agad namang nag-trending ang tweet ng Kapuso personality at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens lalo na sa sektor ng LGBTQ+ community.
Ang dating raw kasi ng twet ni Kuya Kim ay parang ang sakit ay nagmumula sa kanilang hanay na wala naman daw katotohanan.
Pagpapaliwanag ng isang netizen, maaaring makuha ng isang tao ang nakababahalng sakit kung nagkaroon ito ng closed contact sa isang taong may monkeypox kahit ano pa ang kasarian nito, may pagtatalik man o wala.
Mabilis ring ikinumpara ng mga netizens ang tweet ni Kuya Kim kay Ariel Rojas na pumalit sa kanya sa “TV Patrol” nang magdesisyon siyang lumipat sa Kapuso network.
“Monkeypox is neither an STD nor a gay disease. DOH, in its statement yesterday, emphasized that ANYONE MAY GET MONKEYPOX,” saad ni Ariel.
Dagdag pa nito, “Warn. Do not stigmatized and harm.”
Ibinahagi ng netizen ang screenshots ng tweet ng nina Kuya Kim at Ariel at sinabing “the more credible weather guy”.
Kuya Kim vs Ariel Rojas. Choose the more credible weather guy.
GMA vs ABS-CBN pic.twitter.com/SckTaqWwzG— Marky (@MarkyFul) July 30, 2022
Agad naman itong humingi ng dispensa sa kanyang naging tweet at tuluyan na itong binura.
“My deepest apologies to those that were affected by my tweet. Some of the things I said were ambiguous and caused a lot of hurt especially to members of the LGBTQ community,” saad ni Kuya Kim.
Dagdag pa niya, “You are correct Monkeypox is sexually transmitted but also by non sexual close contact. It not an STD.”
My deepest apologies to those that were affected by my tweet.
Some of the things I said were ambiguous and caused a lot of hurt especially to members of the LGBTQ community.
You are correct Monkeypox is sexually transmitted but also by non sexual close contact. It not an STD.— kim atienza (@kuyakim_atienza) July 30, 2022
Hirit pa ni Kuya Kim, “I am also wrong in saying it’s usually spread M to M. Monkeypox can be spread by any person regardless of gender. M to F F to F.”
Muli naman siyang humingi ng tawad sa mga na-offend sa kanyang sinabi.
“Again my deepest apologies to the people I hurt by my tweet. I am deeply sorry,” sey ni Kuya Kim.
Related Chika:
Kim Atienza kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’
Kuya Kim tinamaan ng COVID-19 kaya naka-isolate; hindi nakadalo sa graduation ng anak
Kim Atienza masaya sa mga greetings ng ‘It’s Showtime’ hosts: Friends will always be friends