Ria Atayde excited sa pagpapakasal nina Arjo at Maine: I can’t wait!

Ria Atayde super saya para kina Arjo at Maine: I can't wait!
NAG-UUMAPAW ang saya sa puso ng Kapamilya actress na si Ria Atayde para sa bagong engaged na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Nitong Biyernes, July 29, ginulat ng dalawa ang mga netizens matapos ibahagi ng “Eat Bulaga” host ang larawan nila ng actor-politician na may caption na “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Sa mga sumunod pang larawan na in-upload sa social media ay makikitang present si Ria na sa engagement ng dalawa at nandoon rin ang buong pamilya Atayde at Mendoza.

Nagbahagi rin ang Kapamilya star ng ilang mga larawan noong nag-propose si Arjo kay Maine sa kanyang Instagram account.

“You’ve always been Mister Grand Gestures @arjoatayde. But I think among all you’ve done, this has got to be my most favorite,” pagbabahagi ni Ria.

Dagdag pa niya, “And I think among all the many changes we welcomed in our lives this year, this has got to be the best.”

Aminado rin si Ria na sobrang excited na siya sa bagong journey ng kanyang kapatid kasama ang pinakamamahal nito.

“So excited to officially welcome you into the family @mainedcm stay happy and in love! Congratulations to the two of you,” sey pa ni Ria.

Umulan naman ng mga pagbati para kina Maine at Arjo ang comments section ng kanyang post at lahat ay kinikilig at looking forward sa bagong chapter ng buhay ng dalawa bilang mag-asawa gaya nina

Makikita ring nag-comment si Maine at labis ang naging pasasalamat kay Ria.

“Thank you, Ri!!! I know how much effort you put into this. All wouldn’t have been possible without your assistance too. Thank you so much,” sey ni Maine.

Sagot naman ni Ria, “Anything for my brother and anything for you!!! Soon enough, we’ll be working together on things like this. Love you Maine! I can’t wait.”

Related Chika:
Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!

Ria Atayde nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Joshua Garcia: I’m super comfortable with him

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Read more...