RR Enriquez hindi bet si Skusta Clee para kay Zeinab: Hindi naman siya ganu’n kaguwapuhan

RR Enriquez hindi bet si Skusta Clee para kay Zeinab: Hindi naman siya ganu’n kaguwapuhan

ANG Sawsawera Queen na si RR Enriquez ay hindi pala gusto si Skusta Clee para kay Zeinab Harake base ito sa panayam niya kay Ogie Diaz para sa YouTube channel nito.

“Gigil na gigil ako do’n promise! Ayaw kong manglait, pangit namang magsabi ng pangit na tao, hindi naman siya ganu’n kaguwapuhan talaga pero ang lakas niyang manloko.

“Kasi si Zeinab isa sa mga good friend ng kapatid kong transgender si Melissa, so, nu’ng malaman kong nagkabalikan ‘yung dalawang ‘yan.

“Hindi pa nire-reveal ni Zeinab (Bia) na umalma na ako, ayan nakipagbalikan pa siya diyan nagpabuntis pa, e, manloloko naman ‘yan.

“Hindi ko alam kung judgmental lang ako that time pero tama ‘yung hinala (ko). O di ba kagaya niyan, iniwan na naman siya.

 

 

“Hindi ko gusto talaga ‘yung lalaki kasi si Zeinab para sa akin kahit hindi kami close, close siya ng kapatid ko, so, kung sino ‘yung mahal ng kapatid ko, mahal ko na rin. Para ko na ring kapatid si Zeinab, eh,” dire-diretsong kuwento ng dating Wowowee dancer at isa sa host ng Banana Split show.

At dahil sa ginawang pang-iiwan ng sikat na rapper ay nag-post si RR na kung sino pa raw ‘yung chararat ay siya pa ang manloloko.

At ang reaksyon daw ng bashers ni RR sa opinyon niya kay Skusta Clee, “hati naman lagi, eh. Minsan maga-agree, minsan hindi ‘yung iba tawang-tawa kasi totoo hindi naman ako sinungaling.

“Sumasawsaw ako sa isyu pero ‘yung totoo naman, I don’t sugar coat, kung chararat ka, chararat ka!

“Para lang ding malaman ni Skusta na manloko na naayon sa itsura, ‘yun ganu’n dapat!” tumatawang komento ni RR.

Nag-post din daw ang dalaga tungkol kay Zeinab na sobrang bait, “nag-sorry naman si Zeinab na in-love lang daw talaga siya.

Related Chika:
RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Paolo at Yen: Don’t us

Read more...