Angeline Quinto engaged na ba sa non-showbiz dyowa?

Angeline Quinto engaged na ba sa non-showbiz dyowa?

TRUE kaya ang hinala ng mga netizens na engaged na ang Kapamilya actress at singer na si Angeline Quinto?

Ito kasi ang buking-bulungan na chika ngayon matapos mamataan ng mga netizens ang singsing na suot suot nito sa kanyang latest Instagram post.

“So much fun with my family! I’m grateful that we got to spend a happy and relaxing time for Baby Sylvio’s first out of town trip,” saad ni Angeline sa caption ng kanyang post.

Ngunit imbes na ang mga bakasyon nila ang mapansin ng netizens, ang mas nakapukaw ng pansin ng mga ito ay ang tila engagement ring na suot ng actress-singer na parang pine-flex rin niya sa larawan.

“Is that an engagement ring?” diretsahang tanong ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Yung singsing ang napansin ko. Pansin n’yo rin ba? Charot!”

Wala namang naging sagot si Angeline sa mga maiintrigang tanong ng kanyang followers ngunit may mga naghihinuha na baka may pa-big reveal ang aktres sa kanyang YouTube vlog.

Bukod naman sa singsing niya ay may mga nakapansin rin sa size ng ulo ng kanyang anak na si Baby Sylvio.

“Sorry po, confused lang po ako, parang malaki ang ulo ng bata. Wag sana masamain ang sinabi ko,” sey ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Parang malaki ulo ng baby niya.”

Nag-comment naman ni Angeline at sinagot ang naging obserbasyon ng mga netizens.

“Actually kaya ako na-emergency CS dahil nahirapan sa pagbaba ng ulo ni baby kasi nakatabingi yung ulo niya,” pagbabahagi ng singer-actress.

Noong Abril nangipnganak ni Angeline ang kanilang panganay na non-showbiz dyowa na si Nonrev Daquina.

Related Chika:
Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

Dyowa ni Angeline Quinto na plano raw pumasok sa showbiz inokray ni Lolit Solis: Feeling pogi at pa-yummy

Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Read more...