Kapatid ni AJ Raval viral na rin dahil sa blind item tungkol sa ‘rapper at pangit na cheater’

Kapatid ni AJ Raval viral na rin dahil sa blind item tungkol sa 'rapper at pangit na cheater'

HINDI lang si AJ Raval ang viral ngayon dahil sa balitang buntis siya courtesy of Aljur Abrenica base na rin sa pagkumpirma ni Nanay Cristy Fermin.

Mariin na naman itong itinanggi ng aktres kasabay ng pagpo-post niya ng mga larawan niyang naka-two piece na kuha sa dagat na mukhang eksena sa pelikula niya sa Vivamax.

Pero hindi lang siya ang viral ngayon kundi pati na rin ang kapatid ni AJ na si Vanessa Raval (na mas kamukha ng tatay nilang si Jeric Raval) dahil may rapper na nangungulit daw sa kanya.

Tila walang pakialam sa mundo ang TikTok star, social media influencer, content creator, tattoo artist, at entrepreneur na kapatid ni AJ dahil walang takot nitong ibinuyangyang ang kanyang katawan sa social media with her tattoos at collections of two-piece.

Para siyang babaeng Jeric Raval na inakala namin noon na kamukha ni AJ ang ama pero mas kamukha pala ng older sister niya.

Anyway, dahil siguro sa mga revealing photos ni Vanessa ay may makulit na rapper na hindi siya tinatantanan kaya ipinost na niya ito pero walang pangalan.

Post ni Vanessa sa kanyang Facebook account kagabi, “Isang rapper Ang Ayaw ako tigilan sa chat. Naba-bash kana sa pambababae mo Wala ka parin dala? Mahilig ka talaga sa malaman no? ‘Wag ako, e ano kung sikat ka? Maganda lahi ng tatay ko ‘wag Mong dungisan.”

Sinundan pa ng, “Hindi ako kagandahan, kaputian, o ka-sexyhan pero pass sa pangit na cheater.

“Para rito sa rapper na feeling pogi, makuntento ka sa chickas mong bayaran. Wag moko idamay.  Imbis na mag-focus ka sa isang anak, nagpo-focus ka sa madaming babae. Hindi lahat ng natipuhan o pinagnanasaan mo kakagat sa ‘yo.  Sorry hindi ko kayang kumain ng putaheng pangit ang lasa,” aniya.

At sa huling post ni Vanessa ay tila nagbigay na siya ng clue kung sino ang sikat na rapper na nangungulit sa kanya.

“Yung sabihin mong nagsasawa kana sa ugali n’ya at bumebwelo ka lang na hiwalayan s’ya ay hindi mo kina dagdag ng puntos sakin yon. Bagkus, nag mumuka ka lalo Walang bayag.

“Ano? Iisa-isahin mo lahat ng babae sa mundo? Langit naba tingin mo sa sarili mo?  Papasukan mo lang tapos Ikaw pa susuka?  Sa pangit mong yan?  Mas mataas pa pangarap mo kay KOKEY Sxaucseee,” malamang sabi ng ate ni AJ at anak ni Jeric.

So, BANDERA readers may ideya na ba kayo kung sino ang sikat na rapper na ito?

Related Chika:
Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, ‘Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala’

Sue Ramirez ni minsan ’di naramdamang pangit siya

Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?

Read more...