Herlene Budol bumisita sa ‘It’s Showtime’, na-starstruck kay Vice Ganda: Sobrang idol ko po kayo!
MARAMING natuwa at naaliw nang mapanood ng madlang pipol ang Kapuso comedienne at aspiring beauty queen na si Herlene Budol sa “It’s Showtime” ng Kapamilya network.
Bumisita ang komedyana at iba pang kandidata ng Binibining Pilipinas 2022 sa live episode kanina ng “Showtime” para i-promote ang grand coronation night ng pageant sa July 31 na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Sa unang pagkakataon ay nakatungtong nga si Herlene sa studio ng “Showtime” at mukhang nag-enjoy naman ang dalaga sa pagbisita nila ng mga kapwa Binibining Pilipinas candidatates sa programa.
Kitang-kita nga si Herlene sa screen habang nagsasalita at nagdedetalye ang kanyang fellow candidate na si Stacey Daniella Gabriel ng Cainta, Rizal hinggil sa finals night ng nasabing national pageant.
View this post on Instagram
Pagkatapos mag-promote ni Stacey, binati ni Vice Ganda si Herlene, “Parang hindi masyadong masaya si Herlene.” Napansin kasi ng TV host na matipid ang ngiti ng dating co-host ni Willie Revillame sa programa nito sa GMA 7 na “Wowowin.”
Birong hirit pa ni Vice, baka raw masama ang loob nito dahil hindi siya pinagsalita ni Stacey. Kaya naman binigyan ang komedyana ng microphone para bumati.
“Hello po! What’s up, madlang people!” ang bigay na bigay na pagbati ni Herlene na halatang na-starstruck kay Vice Ganda.
“Sobrang idol ko po kayo (Vice), alam ni Ryan (Bang) iyan,” ang sabi pa niya sa komedyante.
Naging close sina Herlene at Ryan nang magkaroon sila ng mga collab sa kanilang YouTube vlogs.
Sey naman ni Vice, wala raw naikukuwento si Ryan na idol siya ni Herlene. Sagot ng Koreanong komedyante, “Lagi ko kayang sinasabi kay Mommy (Vice).”
“Good luck sa Binibini candidates. Ang gaganda ninyo. Nakakatuwa,” sey pa ni Vice.
Samantala, sa isang bahagi ng “Miss Q&A” segment ng programa ay muling pinakita sa camera si Herlene na nasa audience pa rin habang wala na ang mga kasamahan niyang kandidata.
Katabi pa ni Herlene sina Ryan, Karylle at Kim Chiu habang pinanonood ang nasabing segment ng noontime show. Ibig sabihin, baka nagpaiwan na si Herlene para tapusin ang programa.
https://bandera.inquirer.net/318956/herlene-budol-proud-na-ibinandera-ang-pag-graduate-sa-college-inialay-ang-diploma-sa-yumaong-lola
https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality
https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.