Vice Mayor Kalay Alonsabe ibinandera ang dyowa sa socmed, netizens napa-‘sana all’

Vice Mayor Kalay Alonsabe ibinandera ang dyowa sa socmed, netizens napa-'sana all'
TALAGA namang kinilig ang madlang pipol nang ibandera ni Alimodian, Iloilo Vice Mayor Kalay Alonsabe ang kanyang dyowa sa social media.

Muli kasi nitong ibinahagi ang mga larawan nila at hindi na napigilan ng mga netizens na mapa-“sana all” sa kanyang relasyon sa boyfriend na si Jaz Dionisio.

“The darkest nights produce the (brightest) stars and having you in my life made everything better. Keep going…” saad ni VM Alonsabe sa kanyang Facebook post.

Nitong July 2 lamang nang ibahagi ng bise alkalde ang kanilang larawan nang magdiwang sila ng monthsary ng kanyang partner.

“My life’s biggest security is not just in loving you but in knowing that you will always be there to love me back no matter what. I love you Dad. Happy monthsary!” pagbabahagi ni Alonsabe.

Ayon sa kwento ni Jaz nang makapanayam sila ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, nagkakilala raw silang dalawa sa isang bar sa Iloilo.

“Nu’ng unang beses ko siyang nakita, nabighani talaga ako sa kanya! Parang ang simple lang kasi, walang arte sa katawan. Parang ang bait na tao. Kaya in-approach ko siya,” pagkukwento ni Jaz.

Aniya, agad silang nagkapalagayan ng loob matapos ng kanilang unang pag-uusap.

Nagdesisyon daw si Jaz na ligawan si Alonsabe na nauwi na nga sa relasyon.

“Hanggang sa niligawan ko siya. Tapos nito lang nag-monthsary kami. Nagulat din ako nung nalaman kong Vice Mayor pala siya. Inisip ko na baka kung ano sabihin nila sa pagkatao ko,” pagpapatuloy ni Jaz.

Pero namayagpag ang pagmamahal ng lalaki kay Vice Mayor Alonsabe kaya nagdesisyon itong ipaglaban ang kanilang pagmamahal.

Matapang na sabi ni Jaz, “Pero ang inisip ko, ‘Mahal ko ‘tong taong ito, kaya ipaglalaban ko kung anong mayroon kami’.”

Aminado si Alonsabe na madalas sabihin ng iba na pera lang ang habol sa kanya ni Jaz lalo na at may mataas itong katungkulan sa kanilang lugar.

“Iniisip kasi ng mga tao na kapag may relasyon ang isang LGBTQIA+, peperahan ‘yan, gagamitin ‘yan. Pero hindi naman ganoon lahat ng tao. Si Jaz, ibang-iba talaga sa lahat,” pagkukwento ng bise alkalde.

“Sabi niya sa akin nu’n, ‘Pinapangako ko sa’yo na magiging honest at saka magiging totoo ako sa iyo dahil mahal kita.’ Sobrang nakakataba ng puso. Mararamdaman mo talaga kung gaano siya ka-sincere,” pagpapatuloy nito.

Sey pa ni Alonsabe, “Inuuna ko lagi yung obligasyon ko at responsibilidad sa bayan bago ko bigyan ng pansin ang personal na kaligayahan.

Other Chika:
Ogie Diaz boluntaryo ang pagdalo sa Iloilo para kay VP Leni: Wala ho kaming bayad

Sharon inamin ang pinakaayaw pero minahal niya kay Kiko: Wala siyang pera, dahil ‘di siya nagnanakaw

Derek: Hindi namin sinasabi ni Ellen na mas OK ako kay John Lloyd…we’re just meant to be

Read more...