Ivana Alawi pinag-tripan ang ina, nireto sa naging kapitbahay sa Spain

Ivana Alawi pinag-tripan ang ina, nireto sa naging kapitbahay sa Spain
ALIW na aliw ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi na bwisitin ang kanilang ina at nakipag-tandem pa ito sa bunsong kapatid na si Moana.

Nagpunta pa kasi sila sa Marbella, Spain para tuparin ang pangarap ng kanilang ina na mapuntahan ang lugaw dahil “Marbella” ang kanyang middle name at matagal na niya itong nais puntahan.

Napagdesisyunan nga ni Ivana na bwisitin ang kanyang ina matapos siyang makapag-isip ng “bright idea” nang makita niya ang kapitbahay nila sa tinutukuyang lugar.

Ang “bright idea” na naisip ng aktres kasama ang nakababatang kapatid ay ang ireto ang ina sa kanilang gwapong kapitbahay.

“So yung nanay namin? Hindi talaga siya nakikipag-ano, ‘yung hindi siya interesado sa mga lalaki. Hindi talaga pero gusto ko lang siyang inisin. Ito ‘yung nahanap kong paraan na maiinis talaga siya,” saad ni Ivana.

Dagdag pa niya, “Alam naman namin na hindi talaga siya romance, pinapalaki ko lang. Kilala naman namin si Mama kasi ever since na naghiwalay sila ng aming tatay ay never na siyang naghanap or hindi siya interesado talaga kasi priority niya kami.”

Kung sakali man daw na gustuhin ng kanilang ina na magkaroon ng love life ay suportado naman ni Ivana at mga kapatid ang kanyang kagustuhan pero mismong ang kanilang ina ang may ayaw.

Pagkukwento ni Ivana, may kapitbahay raw silang kinatok ng kanilang ina para mabuksan ang kanilang pinto sa tinutuluyan. Binigyan rin daw siya ng calling card nang magsampay ito sa labas.

Binuyo-buyo naman ng magkapatid ang kanilang ina at tinanong kung gusto niya ang lalaki at lalo pang inasar noong magluto at magbigay ng pagkain si Mama Alawi bilang pasasalamat sa ginagawa nitong pabor sa pagbubukas ng kanilang pinto.

Nang sundan nila ay nadinig pa nilang mag-uusap ang dalawa.

“Ma balita ko pumasok ka sa loob ng bahay niya ah? Balita ko ini-invite mo sa Pilipinas. So ano? Gusto mo na siyang pakasalan?” pang-iinis ni Ivana sa ina.

Todo tanggi naman ang kanilang ina at tila walang pakialam sa dalawang anak na pinagti-tripan siya.

Noong ibalik ng kanilang kapitbahay ay sinabihan naman siya na masarap raw ang luto niyo.

Halata namang naiirita na si Mama Alawi sa mga banat ng kanyang mga anak dahil sa mga tingin nito na parang nagpipigil na lang na sabunutan sila Ivana sa kalokohang ginagawa.

“If looks can kill but love can kill better. Lalayo na ako,” saad pa ni Ivana.

Hirit pa niya, “Pinapaalala ko lang sa ‘yo na bilang anak mo na maganda ka at pwede ka pang umibig ng tunay. Try mo lang. Masaya ka na ba sa amin?”

Sinang-ayunan naman ni Mama Alawi ang sinabi ni Ivana at nangakong behave na siya.

Napag-alaman naman nila Ivana na divorce na ang kanilang kapitbahay kaya pinipilit nila ito at sinabi pang support sila kung gagawing crush ng ina ang French neighbor para naman ma-inspire ito.

Pero mukhang matibay si Mama Alawi at hindi talaga bumibigay sa pangloloko ng mga anak at pangungulit sa kanya na magkagusto sa mystery French kapitbahay.

Related Chika:
Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Read more...