Andi Eigenmann nabwisit sa ilang turista sa Siargao na basta na lang nag-iwan ng basura matapos mag-inuman | Bandera

Andi Eigenmann nabwisit sa ilang turista sa Siargao na basta na lang nag-iwan ng basura matapos mag-inuman

Ervin Santiago |July 19,2022
facebook
share this

Andi Eigenmann nabwisit sa ilang turista sa Siargao na basta na lang nag-iwan ng basura matapos mag-inuman

Ervin Santiago - July 19, 2022 - 11:42 AM

Andi Eigenmann, Ellie, Lilo at Koa

HINDI napigilan ni Andi Eigenmann ang sarili na maglabas ng sama ng loob nang makita ang iniwang basura ng ilang turista sa isla ng Siargao.

Talagang pinagsabihan ng aktres ang mga bumibisita sa kanilang probinsya na maging responsableng mga turista para mapangalagaan ang lugar.

Hindi nagustuhan ni Andi ang mga tumambad sa kanyang mga basura sa isang bahagi ng isla na aniya’y basta na lang iniwan ng mga taong nag-party-party doon.

Ipinost pa niya sa kanyang Instagram Story ang mga kalat na nadatnan niya roon kabilang na ang mga bote ng alak at mga supot ng pagkain, mga bottled water, beer in can at marami pang iba.

Sey ni Andi sa caption, “The least you could do is be mindful enough to take (your) leftover alak and kalat with you after you enjoy fun night of inuman at the beach.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Sa isa pa niyang post, hindi na napigilan ng anak ni Jaclyn Jose na ilabas ang kanyang pagkairita at pagkadismaya, “Or did you expect our Sea Patrol kids to be the (ones) to pick up after your trash?”

Mula nang manirahan sa Siargao si Andi kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo at mga anak na sina Lilo at Koa, talagang naging advocacy na niya ang panatilihing malinis, safe at tourist-friendly ang isla.

Sa katunayan, matapos bagyuhin ng Typhoon Odette ang Siargao noong December, 2021, nag-donate pa si Andi sa local government ng probinsya mula sa kinita niya sa YouTube para sa rehabilitasyon ng kanilang lugar.

Andi tumatangging magpalitrato sa mga turista sa Siargao: Tao lang din kami…

Pamilya ni Andi babalik na sa Siargao: There’s just no place like home

Jaclyn Jose bumuwelta sa Kapamilya director: Hindi po kami basura!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending