Francine Diaz, Seth Fedelin nagkailangan bilang magka-loveteam; walang paki sa bashers | Bandera

Francine Diaz, Seth Fedelin nagkailangan bilang magka-loveteam; walang paki sa bashers

Ervin Santiago |July 19,2022
facebook
share this

Francine Diaz, Seth Fedelin nagkailangan bilang magka-loveteam; walang paki sa bashers

Ervin Santiago - July 19, 2022 - 07:39 AM

Francine Diaz at Seth Fedelin

NAGKAILANGAN sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa unang proyektong ginawa nila bilang magka-loveteam.

Yan ang inamin ng dalawang Kapamilya youngstars sa isang panayam matapos bumida sa music video ng awitin ni Ace Banzuelo na “Muli.”

Ayon kina Francine at Seth, medyo awkward nu’ng una silang sumalang sa shoot at pictorial ng nasabing music video but after a while ay naging kumportable na rin sila sa isa’t isa.

Sey ni Seth sa interview ng Cinema News, nasanay na raw kasi silang dalawa ni Francine na iba ang kanilang ka-loveteam sa dati nilang grupo ns Gold Squad.

Unang nakatambal ng young actor si Andrea Brillantes habang si Kyle Echarri naman ang partner noon ni Francine.

“Parang awkward. Konting awkwardness kasi nakasanayan na namin na almost three years, apat kami na hindi lang kami dalawa lang ni Francine,” lahad ni Seth.

Sey naman ni Francine, hindi sa negatibong dahilan ang nangyaring ilangan sa pagitan nila ni Seth, “Siguro kasi yung pagka-awkward po hindi naman yung sa point na bad.

View this post on Instagram

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


“Nasanay po kami na yung loveteam namin before ay magkaiba,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, very soon ay mapapanood na rin ang dalawa sa upcoming Kapamilya sa drama series na “Dirty Linen.” Ito ang kauna-unahang serye nila bilang screen partners.

Tungkol naman sa magiging bashers ng kanilang tambalan, ayon sa dalawang bagets, dedma lang sila sa mga taong nangnenega o nang-ookray sa “FranSeth.”

Ayon kay Seth, feeling niya kaunti lang ang mga ayaw sa loveteam nila ni Francine, “Nagulat nga kami na tinanggap po siya ng tao. Tinanggap po siya ng mga manonood lalo na nu’ng unang labas.

“Sinabi rin samin ng mga bossing na ‘wow ha, walang bashing.’ Kami pong dalawa hindi kami mahilig pumatol sa mga bashing. Yun po yung maganda saming dalawa. Hindi namin iniisip yung bashing,” sey pa ng binata.

Sabi naman ni Francine, “Natutuwa po kami kasi ine-expect namin na hate yung mare-receive namin nu’ng mismong storycon ng ‘Dirty Linen.’

“Pero kabaliktaran siya, tinanggap kami ng mga tao. Yung tandem namin ni Seth. Nakakatuwa po,” dugtong ng young actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending