Ex-member ng MNL48 pinabilib ang 4 ng hurado ng ‘Idol Philippines’, naka-getsing ng 4 na ‘yes’
“I LIKE it! Wow!” ang nasambit ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano habang kumakanta ang isang nag-audition sa “Idol Philippines Season 2” ng ABS-CBN.
Ang tinutukoy namin ay si Brei Binuya na kumanta ng “Ako Naman Muna” na napanood namin kagabi sa YouTube channel ng “Idol Philippines.”
Hindi namin napapanood ang nasabing programa, nagkataon lang na namukhaan namin ang nasabing contestant — isa siya sa mga miyembro ng grupong MNL48.
Ilang beses din kaming nakadalo sa mediacon nila noong nagsisimula pa lang silang ipakilala sa miyembro ng print media bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Tatlong taong naging miyembro si Brei ng MNL48 at umalis na pala siya sa grupo noong unang quarter ng 2021 dahil may nilabag daw siyang golden rule, ang pagkakaroon ng karelasyon.
Oo nga, tanda namin noon na laging tinatanong sa mediacon kung may lovelife sila at laging sagot nila ay mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang management company na magkaroon sila ng love interest habang miyembro sila ng nasabing grupo.
Pinatawan ng isang buwang suspension si Brei pero bago pa natapos ito ay nagdesisyon na siyang umalis sa grupo at ituloy ang kanyang solo singing career.
Bukod sa namukhaan namin ang dalaga ay nabighani kami sa ganda ng boses niya na katimbre ng boses ng isa sa “Idol” judge na si Moira dela Torre na ang ganda rin ng ngiti habang kumakanta si Brei.
View this post on Instagram
Na-curious pa kami kay Brei kaya ni-research namin at ang dami pala niyang compilations ng cover songs at karamihan ay mga awitin ni Moira.
Isa pa sa nagustuhan namin kay Brei ay hindi niya binanggit sa “Idol Philippines” judges na naging MNL48 member siya na ibig sabihin ay hindi niya ginamit ang dating grupo kumpara sa ibang contestants.
Pero siyempre bago naman siya sumalang ay alam na ng mga hurado ang background niya.
Nang matapos ang kanta ni Brei, ang tanging nasabi ni Gary V, “Three words. I love it. Importante kay Moira ‘yung storytelling nakuha ko ‘yung kuwento mo.”
Say naman ni Moira, “Ang layo ng songs ng MNL48 at ng ginagawa n’yo do’n sa ipinakita mo sa amin ngayon. Marami na kaming narinig pero sobrang konti lang ‘yung walang ginawa pero sobrang connected ako, engaged ako.”
Biro naman ni Regine Velasquez kay Chito Miranda, “Parang paiyak ka na, eh!”
Komento ng frontman ng Parokya ni Edgar, “Actually, parang gusto kitang kampihan sa gagawin mo.”
Sey uli ng Asia’s Songbird, “Gustung-gusto ko ‘yung pag kumakanta ka hindi mo sinu-sustain ‘yung words pinuputol mo, I love that! I also do that kasi parang mas nabibigyan mo ng buhay pag kumakanta ka ng Tagalog songs or kahit English.”
Nakakuha nang apat na “yes” si Brei kaya mapapanood pa rin siya sa next round.
Samantala, nabasa namin ang press statement ng talent management ng MBL48 tungkol sa pag-alis ni Brei noong Abril 23, 2021. Narito ang nakasaad.
“MNL48 Brei decides to leave the Idol industry. You may have left the Idol industry but you will always at our hearts as MNL48 Brei and Brei Binuya. It hurts that you will leave but we need to settle on what is right.
“Everything will be good again soon. That’s why don’t judge her because we don’t have that authority but let’s respect her as a person like we love her as a member. Everybody has it’s own mistakes but that mistake will never define who Aubrey Binuya is.
“Thank you for happiest memories with us Brei. We see your sacrifices and hard work for the good of the group. It is more than enough to not forget once a MNL48 Brei is. And to your next chosen path, we promise we are here to support you always and love as Aubrey Binuya. We know, there will be a time that you will make us proud again
“Again, Sayonara MNL48 Brei.”
https://bandera.inquirer.net/310342/mnl48-nagbabalik-para-sa-new-single-na-no-way-man-aktor-na-nagbalik-bisyo-ligwak-sa-malaking-project
https://bandera.inquirer.net/311966/sb19-mnl48-no-1-top-trending-topic-sa-twitter-nang-pumasok-sa-pbb-house-1948sabahaynikuya-winner
https://bandera.inquirer.net/310353/mnl48-dumanas-muli-ng-matinding-hirap-bago-ang-bonggang-comeback-hahataw-sa-p-popcon-2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.