Miss Globe runner-up Rowee Lucero national director na ng Miss Aura PH pageant | Bandera

Miss Globe runner-up Rowee Lucero national director na ng Miss Aura PH pageant

Armin P. Adina - July 17, 2022 - 06:07 PM

Mararanasan na ni Miss Aura Philippines Micca Rosal ang mahawakan ng dalawang national directors./ARMIN P. ADINA

Mararanasan na ni Miss Aura Philippines Micca Rosal ang mahawakan ng dalawang national directors./ARMIN P. ADINA

MAY bago nang national director ang Miss Aura Philippines pageant, ang opisyal na pumipili sa kinatawan ng bansa para sa Miss Aura International, pagkatapos maidaos ang una nitong edisyon noong nakaraang buwan.

Itinalaga ang guro na naging beauty queen na si Rowee Lucero, 2020 Miss Globe fourth runner-up, ng dating national director na si Katniss Griffiths para sa puwesto.

Sa isang post sa opisyal na Facebook page ng patimpalak, nilinaw ni Griffiths na mananatili siya bilang chief executive officer ng Miss Aura Philippines, ngunit isinasalin ang pagiging national director kay Lucero sapagkat nais niya umanong tutukan ang “business side of the organization.”

Si Griffiths ang pumili sa beteranang si Alexandra Faith Garcia bilang kauna-unahang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Aura International para sa ika-16 na edisyon ng pandaigdigang patimpalak noong 2021. Naiuwi ng reyna ang korona para sa Pilipinas.

Ngayong taon, idinaos ng pambansang organisasyon ang una nitong patimpalak upang piliin ang tagapagmana ni Garcia sa Pilipinas. Isa pang beterana, si Micca Rosal ng Batangas, ang kinoronahan bilang 2022 Miss Aura Philippines sa isang palatuntunang itinanghal sa St. Francis Shangri-la Place sa Mandaluyong City noong Hunyo 25.

Mararanasan na ngayon ni Rosal na mahawakan ng dalawang national directors—si Griffiths bilang kandidata sa isang pambansang patimpalak, at ngayon naman si Lucero bilang kinatawan ng bansa sa pandaigdigang entablado.

Sinabi naman ni Lucero na isang karangalan at isa ring hamon ang bago niyang katungkulan.

“This made me appreciate my 12 years in pageantry, not only as my platform but my training ground to prepare me for this designation. I’m challenged because I’m excited to see how I can be an asset to the organization, to our queens, and of course to our country,” sinabi niya sa Inquirer sa isang online interview.

Si Rowee Lucero ang bagong Miss Aura Philippines national director./MISS AURA PH FACEBOOK PHOTO

Si Rowee Lucero ang bagong Miss Aura Philippines national director./MISS AURA PH FACEBOOK PHOTO

Ngayong tapos na ang pambansang patimpalak, tungkulin ni Lucero na bigyan ng karampatang suporta si Rosal sa pagsabak niya sa Miss Aura International pageant na muling idaraos sa Turkey ngayong taon.

Mabigat ang tungkuling nakaatang kay Rosal na mabigyan ang Pilipinas ng pangalawang kasunod na panalo sa ikalawang taon lang ng pagsali ng bansa sa 17-taong-gulang na pandaigdigang patimpalak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magiging abala rin si Lucero sa paghahanda para sa pambansang patimpalak sa 2023. “I see this pageant creating more future beauty queens and being a platform to win, learn, perform, to face their fears, explore their capabilities, and be the next pride of the Philippines,” ibinahagi niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending