PURO papuri ang sinabi ng kolumnistang si Cristy Fermin sa Kapuso actress na si Bea Alonzo sa isang episode ng kanyang showbiz program na “Cristy Ferminute” kasama ang co-host niyang si Romel Chika.
Aniya, talaga namang kapuri-puri daw ang aktres dahil magaling ito sa pag-iipon at pg-i-invest ng kanyang pera.
Ayon kay Cristy, “Sabihin na natin, o sige na nga, diretsuhin na natin, inggit na nga.
Aba naman, itong batang ito nabantayan ang kaniyang kinikita. Kumikita na ngayon ‘yung Beati Firma niya sa Zambales. Namumunga na ang mga itinanim nila do’n. Pangalawa, napaayos yung kaniyang bahay. Nakabili pa ng bahay sa Madrid, Spain.”
Bukod pa rito ay puring-puri rin ng kolumnista na napanatili ng aktres ng kanyang ganda.
“Eh isipin mo naman, ang tindi naman ng puhunan ng batang ito. Napakaganda, sa edad niya ngayon, alagang-alaga niya ang kaniyang kagandahan. Tapos ang galing umarte. Inaabangan na nga natin yung proyekto nila ni Alden Richards, ‘di ba? Yung ‘Start-Up’,” pagpapatuloy ni Cristy.
Humanga rin ito sa tatag ng loob ng aktres sa kabila ng mga pangnenegang natatanggap nito.
Matatandaang madalas na laman ng Instagram account ng kaniyang kaibigang si Lolit Solis ang aktres kung saan tila puro pangnenega ang ibinabato sa dalaga.
Lately nga ay sinabi ni Lolit na mukhang bitter raw ito sa dating karelasyon na si Gerald Anderson dahil ayaw nitong makatrabaho ang aktor.
Sey ng kaibigan ni Cristy, hindi naman daw gagawin ni Gerald ang ginawa nito sa aktres kung wala raw itong dahilan.
Bukod pa rito ay may mga naunang post rin ang talent manager at kolumnista ukol sa pangangatawan ni Bea at ikinukumpara rin ito sa iba pang personalities gaya na lang ni Marian Rivera.
Kaya bwelta ni Cristy, tama lang daw ang ginagawang pandededma ng aktres sa mga negative comments laban sa kanya.
“Kaya tama lang ang ginagawa ni Bea, no to negativity. Wag pumansin ng mga nangne-nega. Alam mo yung mga nangne-nega iyon ang wala eh, iyon ang kulang. Iyon ang hindi secure kaya naghahanap sila ng bubwisitin,” sey pa ni Cristy.
Related Chika:
Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital?
Cristy Fermin sa diumano’y pagbubuntis ni Julia Montes: Aminin kung totoo
Cristy Fermin tinawag na ‘epal’ ang ama ni James Reid