HULING weekly series ni Aga Muhlach ay ang “That’s My Doc” noong 2008 at sa loob ng studio ng ABS-CBN ang taping na hindi naman inaabot ng hatinggabi. Ang ibang naging shows niya ay pawang TV host siya o kaya judge.
Inamin ng aktor na sa tuwing tatanungin siya kung bakit hindi na siya tumatanggap ng serye ay dahil gusto niya dapat sa Baguio ang location tulad sa ginanap na “Suntok sa Buwan” virtual mediacon nitong Huwebes ay naikuwento ulit niya.
“Noong marami pang nag-o-offer sa akin ng serye, noon pa parati all the time, ang sinasabi ko lang sa sarili ko, ‘gagawa lang ako ng serye pag sa Baguio ang location para malamig. Kasi, alam ko, mahirap ang trabaho ng serye,” sambit ng aktor.
At sumakto naman dahil nang alukin siya ng Project 8 producers na sina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone ay sinabing sa Baguio nga ang location na ididirek ni Geo Lomuntad.
“Sa pagtanggap ko ng project na ‘to, ahhm, lahat maganda na. Lahat-lahat, maganda na. So, I’ll be very honest, like nu’ng first day, sobra ang nerbiyos ko (at) nakikiramdam ako.
“But because naniniwala ako sa proyekto, sumagot ako ng oo, masaya ako sa mga kasama ko.
“Hindi po kami pumili ng mga eksena or nagpapaganda ng mga eksena. Ang ginawa talaga namin dito, what we’re trying to do really is when you start watching it, mula umpisa hanggang sa dulo, kasama silang lahat,” paliwanag ni Aga.
Pelikula ang pagkakagawa ng “Suntok sa Buwan” kaya tinawag na movie-serye na mapapanood na sa TV5 simula sa Hulyo 18, Lunes sa ganap na 7:15PM.
“Anyway long story short, nag-offer nga sila sa akin via Zoom, and noong in-offer nila sa akin, nagandahan talaga ako.
“Nagandahan talaga ako! Ibang-ibang-iba talaga siya at hindi lang ibang-iba, feeling ko, bagay sa akin at kaya kong gawin. At the same time, Baguio pa yung location niya.
“Na parang sinabi ko, ‘Unbelievable! This is gonna happen, that I’m gonna say yes. And the rest is history. We’re here now and I’m really excited and we’re really doing our best and ginagawa namin siyang parang pelikula.
“Pasensiya na po sa mga kasama ko dito. Kasi nga, ang sinasabi ko nga sa kanila, ‘Galingan natin! First nating lahat ito. Para pag ipinakita natin sa publiko, talagang matuwa naman sila,” pahayag pa ng aktor.
Dagdag pa ni Aga, “Nu’ng nagsu-shoot nga kami, almost every day I would always say pag nagpapalit ng costume, parang sabi ko, ‘Thank God! Thank God I accepted this! Thank God we’re doing this in Baguio! Thank God ito yung takbo ng istorya nito!’
“Because lahat ng mga pinangarap ko… walang bola po ito, ha?! Hindi dahil sa nagpo-promote kami. Alam nila lahat ‘to. Ang sinabi ko talaga, ‘Ang unang serye na gagawin ko, gusto ko, Baguio, mahirap ang role ko.’
“Eto na ang nangyari. And then boxer pa ako, na isa sa mga passion ko rin, which siguro wala pang nakakakita, and makikita niyo dito yun. Kaya ko pa, ha, ha, ha. Si Elijah na ang bahala diyan!”
Isa ring Urian at Famas Best Actor ang kasama ni Aga sa Suntok sa Buwan, si Elijah Canlas na edad 21 na bilib na bilib siya sa binata.
“Magaling siya! Lahat naman ng tao, lahat naman ng nakakasama ko sa industriya natin, marurunong namang umarte.
“Pero naniniwala kasi talaga ako pag maganda ang proyekto, maganda ang pagkakasulat, madaling ibigkas ang linya mas madali para sa aming mga performers.
“Tapos, I see also na naghahanda talaga siya, and pinaparamdam hindi naman sa pinaparamdam ko, hindi ko naman sinasadyang iparamdam sa kanya na, ‘Relax lang, madali akong katrabaho.’
“Kumbaga, ganun lang talaga ako. Wala naman akong hiling na, ‘O, ako ang kasama mo, kailangang ganito ka!’ Wala naman akong ganun.
“Parang kahit nga ako mismo, nag-iisip din ako kung papaano ako mag-a-adjust o makikisama.
“O baka, ‘Ang galing nito, baka mapahiya ako!’ Meron akong ganun. Hindi naman nawawala sa aming mga artista ‘yan.
“Elijah is only 21 years old. Ang haba pa niyan! If at 21, he performs this way already, as long as mahal niya talaga itong ginagawa niya, he will do more.
“He would become better, for sure. Definitely. Definitely. Sana lang, mahalin niya talaga ‘to!” papuri ni Aga na isa ring Urian at Famas best actor.
Kasama rin sa “Suntok sa Buwan” sina Maris Racal, Matet de Leon, Rez Cortez, Awra Briguela, Paulo Angeles at Albie Casino produced ng Project 8 for Cignat TV at TV5.
Related Chika:
Aga Muhlach: Fish vendor ka, security guard, market vendor ka, lahat kayo bida sa akin!
Aga nag-explain sa pagsusuot ng pula: Pagdating sa mga gulu-gulo, ayaw ko talagang sumali