4 major character sa 'Ang Probinsyano' tsinugi sa loob lang ng 1 linggo, malapit na nga kaya ang ending ni Cardo Dalisay? | Bandera

4 major character sa ‘Ang Probinsyano’ tsinugi sa loob lang ng 1 linggo, malapit na nga kaya ang ending ni Cardo Dalisay?

Ervin Santiago - July 14, 2022 - 11:54 AM

Coco Martin, Sharon Cuneta at Jaime Fabregas

MATUTULOY na kaya ang sinasabing nalalapit na pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin?

May mga tinanong kaming adik pa rin hanggang ngayon sa panonood ng action-drama series ng Kapamilya Network kung naniniwala silang malapit nang mag-goodbye si Cardo Dalisay.

E, kasi nga, trending ngayon ang pagkamatay ng apat na major characters sa “Ang Probinsyano” na nangyari lamang sa loob ng isang linggo.

Sa episode na “Dalamhati”, ipinalabas ang pagkamatay ni Aurora, played by Sharon Cuneta, at ni Lolo Delfin, na ginampanan naman ni Jaime Fabregas.

Namatay ang dalawang karakter habang nakikipaglaban ang Team Agila sa mga tauhan ni Armando (John Estrada).

Isinakripisyo ni Lolo Delfin ang sarili para makatakas si Cardo (Coco) mula sa pagkakabihag ng mga tauhan ni Armando.

Walang awa namang binaril ni Armando si Aurora habang nakikipagbakbakan ito kay Lolita (Rosanna Roces) para ipaghiganti ang pagkamatay ng anak niyang si Mara (Julia Montes).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Nauna rito, tsinugi na rin ang karakter ni Joseph Marco sa serye bilang si Lucas. Namatay ang binata habang pinoproteksyunan si Aurora laban kay Lolita.

Tinapos na rin sa isang episode ang buhay ng tauhan ni Armando na si Samuel, played by Michael Flores, matapos siyang saksakin ni Cardo.

Halos sabay-sabay pumasok sa serye sina Mega, Joseph at Michael noong November, 2021 habang si Jaime Fabregas ay bahagi pa ng original cast ng serye na nagsimula noon lang 2015.

Kasama pa niya sa pagsisimula ng “Probinsyano” ang yumaong movie queen na si Susan Roces bilang si Lola Flora.

Kaya ang tanong ngayong nasa ikapitong taon na ang serye ni Coco, magaganap na kaya ang pinakaaabangang ending nito o baka umabot pa ng 2023?

Ayon sa mga napagtanungan naming tumututok sa programa hanggang ngayon, feeling nila baka matatapos na ito ngayong 2022 dahil paliliparin na nga ng ABS-CBN si Darna.
https://bandera.inquirer.net/315889/may-dahilan-kung-bakit-iniligtas-ng-diyos-si-cardo-dalisay-ayaw-niyang-mahulog-sa-masasamang-kamay-ang-pilipinas

https://bandera.inquirer.net/313309/ang-probinsyano-nalalapit-na-ang-katapusan-sey-ni-cristy-fermin-siguro-naumay-na-rin-mismo-si-coco

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/311425/ang-probinsyano-posible-nga-bang-magtapos-ngayong-taon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending