KC um-attend sa kasal ng kapatid sa Sweden, hirit na tanong ng netizen: Buntis ba siya?
DUMALO si KC Concepcion sa kasal ng half-sister niyang si Cloie Syquia sa amang si Gabby Concepcion.
Nag-post siya sa social media ng mga larawang kuha sa Stockholm, Sweden kung saan ginanap ang kasal ng kanyang half-sister.
Nitong July 9 ginanap ang kasal at base sa mga nabasa naming komento ay tinatanong ang panganay ni Sharon Cuneta kay Gabby kung kailan naman siya ikakasal?
Marami ang nagsabing magkahawig sina KC at Cloie na anak ni Gabby kay Jenny Syquia.
Close si KC sa mga kapatid niya sa ama na kahit hindi sila nagkikita-kita ay nagkakatawagan silang lahat lalo na si Cloie na nasa ibang bansa.
Kapag nandito naman sa Pilipinas ang una ay nadadalaw niya ang mga kapatid niyang mga bata pa sa bahay mismo ng amang si Gabby.
View this post on Instagram
Ang caption ni KC sa mga larawang pinost niya sa bagong kasal, “In Sweden for my sister’s wedding GRATTIS @cloiesyquia & @hillfredrik from my family to yours.
“Thank you tita @jennysyquia and Filip for being so so gracious- and to the wonderful Skarnes for being so warm and welcoming me like family. Precious weekend!”
Tulad nang nasulat namin ay magkahawig sina KC at Cloie kaya sabi ni @chanel.spring
“You two look like twins.”
Umaasa naman si @novodelacruz, “Sana ikaw na ang susunod na ikakaasal napakaganda mo sobra.”
Ang luminous skin naman ni KC ang napansin ni @sararadebaugh91, “You have awesome skin.”
Say naman ni @iconicz26, “The best ate in th world!!!!”
Sabi ulit ni @gabrielaschaller18, “You have awesome skin.”
Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay may tumawag sa amin na taga-showbiz din at tsinek din pala niya ang IG posts ni Maria Kristina Cassandra at tinanong kami tungkol dito.
“Buntis ba si KC? Bakit kakaiba ang pagka-chubby niya as in? Tapos most of her pictures puro half body o mukha? May nakita akong picture para siyang naka-maternity dress?”
Bago namin tapusin ang balitang ito ay nagpadala kami ng mensahe sa management company ni KC at tinanong kung sila pa rin ang may hawak sa career ng dalaga.
Ito ang sagot ng taga-Cornerstone Entertainment, “Hndi na namin po siya nako-contact.” Meaning hindi na nila hawak ang karera ni KC.
https://bandera.inquirer.net/313925/sharon-kc-pareho-nang-pang-international-ang-aktingan-excited-for-you-guys-to-see-it
https://bandera.inquirer.net/313140/kc-sa-covid-19-journey-hay-10-days-na-lord-sana-ok-na-talaga-ako-kumakapit-pa-rin-sa-meds-at-mask
https://bandera.inquirer.net/316677/wish-ng-fans-sana-magbati-na-sina-sarah-at-mommy-divine-tulad-nina-kc-at-mega
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.