International queen may gustong ipagpatuloy sa tulong ng Bb. Pilipinas
NASUNGKIT ni Cyrille Payumo ang ikalimang panalo ng Pilipinas sa Miss Tourism International pageant, ang pinakamarami para sa isang bansa, bago nagtapos ang 2019 sa isang palatuntunang idinaos sa Petaling Jaya, Malaysia.
At bilang huli sa limang Pilipinang nagreyna sa isang 28-taong-gulang na pandaigdigang patimpalak, may mga nagtatanong kung bakit pa siya naghahangad na makapag-uwi ng titulo bilang Bb. Pilipinas.
“I have this feeling that I have ‘unfinished business’ because right after I won, nag-pandemic. So hindi ko na-feel ang reign ko,” sinabi ng modelo mula Porac, Pampanga, sa Inquirer pagkatapos ng 2022 Bb. Pilipinas pageant press presentation sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City noong Hulyo 5.
Paglalahad ni Payumo, ilang buwan pa lang mula nang koronahan siya bilang Miss Tourism International ay pumasok na ang COVID-19 pandemic, kaya nagpatupad na ng mga protocol sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa.
“I’m not selfish to ever ask ‘why in my time pa?’ But I do think I have unfinished business, and I know Bb. Pilipinas is a great opportunity to finish what I started. So I am here right now,” aniya.
Pagpapatuloy pa niya, siyam na taon na ang nakararaan mula nang pangarapin niyang makatuntong sa entablado ng Bb. Pilipinas. “Sino ba ang hindi? It’s Bb. Pilipinas, one of the most prestigious pageants in our country. And of course I am doing my best each and every day to achieve my goal to once again represent our country on the international stage,” ani Payumo.
Nais umano iyang gamitin ang korona ng Bb. Pilipinas upang maging tinig, “When you win an international crown, hindi siya iyong parang modeling lang eh. Iyong work mo is to inspire, influence, raise awareness and be a relevant person,” pagpapatuloy pa ni Payumo.
Apat na korona ang pinaglalaban sa patimpalak ngayong taon—Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe, at Bb. Pilipinas Grand International.
Itatanghal ang 2022 Bb. Pilipinas grand coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Quezon City sa Hulyo 31. Mapapanood ito nang live sa Kapamilya Channel, Metro Channel, TV5, at A2Z, at may real-time streaming din sa iWantTFC at sa opisyal na YouTube channel ng Bb. Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.