NAGLABAS ng hinaing ang Kapuso star na si Kim Domingo hinggil sa naging karanasan niya nang bumili siya ng ticket para sa fan meeting ng South Korean star na si Cha Eun Woo.
Marami kasi ang bumatikos sa aktres at ginawan pa ng isyung ang kanyang pagpila para lamang makakuha ng ticket.
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Kim ang hindi magandang experience sa kanyang pagpa-fan girl.
Aniya, galing pa siya sa kanyang taping ng kanilang upcoming teleserye na “Start Up” at dumiretso na ito sa Cubao ng 3 A.M. kasama ang mga kaibigan para pumila upang makabili ng ticket.
“Kalat kalat pa ang pila that time. Kahit saan may makikita ka na group of people. Hindi mo alam saan ba talaga ang totoong pila. Then eto na nagpapila na sa mismong entrance. Nagkagulo gulo na,” saad ni Kim.
Noong naging maayos na ang pila ay panandalian siyang nagpaalam sa mga kasama na papasok sandali sa sasakyan para magpalamig dahil hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.
“Nahiya pa ako umalis kasi iniisip ko baka pagbalik ko sabihin sumingit ako pero since may nafefeel na ako na kakaiba nag decide na talaga ako pumunta sa car siguro dahil wala din ako tulog plus siksikan, at mainit talaga,” pagpapatuloy ni Kim.
Chika pa niya, may mga ilan rin daw na nahilo na sa pila na kinailangan pa ng ambulansya at emergency personnel kaya natakot na rin siya at nagdesisyong manatili saglit sa sasakyan ngunit agad rin daw siyang bumalik sa pila.
Noong nagpapasok na ang organizer ay nanatili daw sila Kim sa loob ng cinema at nag-antay ng tawag dahil nga per row ang mga bibili ng tickets at may kaukulang number bawat isa. Sa wakas ay tinawag na ang row nila at makakabili na ng ticket.
Nang makapasok ang aktres sa mismong releasing ng ticket at pinili ang cash bilang mode of payment, may nagalit raw sa kanya sa mga nakapila at kinuwestiyon bakit siya pinapasok samantalang sila ay matagal nang nakapila.
“Sabi ko sa mga andoon, paano po yon meron ako number eh at lahat ng bumili ng tickets may number, at kanina pa ako madaling araw din. Bakit parang ako lang napansin? Yung mga nauna sakin hindi?” takang tanong ni Kim.
Dagdag pa niya, “Bakit po kaya ganon? Dahil ba artista ako? Pakiramdam nitong mga tao na ito hindi kaya mag effort ng isang artista? Just for the camera lang sakanila ang lahat.”
Ayaw na sana niyang ikuwento ang kanyang karanasan pero ilang araw rin siyang nagdasal na sana payagan siya ng produksyon ng “Start Up” at ng kanyang management na pumila para sa fan meeting dahil may taping sila tuwing Friday at Saturday.
“Iniisip ko magiging cause of delay pa ako ng taping tapos ang dami tumatakbo sa isip ko. Ang dami nagsasabi sakin ‘Kim bakit ka pa pipila hindi ba pwede magpabili ka nalang?’ sabi ko hindi po talaga dahil gusto ko ako po mismo ang pipila,” sey ni Kim.
Aniya mas masarap sa pakiramdam kapag pinaghirapan niya mismo ang pagbili ng ticket. Kaya naman labis ang sayq niya nang payagan siya at naluha pa siya ng matanggap ang mensahe lalo na’t ilang araw rin niya itong inisip.
Nagbigay naman si Kim ng mensahe para sa mga “toxic fans” na naghahanap ng butas sa kapwa.
“Ang dami po tao na nakakita sakin, tapos sasabihin nyo connected ako sa organizer kaya naka reserve na at drama lang ang lahat? Dami nyo pong karga na negativity. Grabe po. Lahat binibigyan nyo issue.
“Sana tanggalin nyo yan sa buhay nyo. Hindi sya nakaka attract ng blessings. Promise gagaan pasok ng blessings kung hindi puro galit ang papairalin nyo. Wag po ganon,” sabi ni Kim.
Dapat raw ay maging masatq na lamang ang mga tao sa kaligayahan ng ibang tao at huwag nang gumawa ng isyu.
Hirit pa ni Kim, “Unforgettable experience ito para sa akin since first time ko pumila at manood ng fan meeting pero para sa iba, laro laro ko lang. Minsan kapwa pilipino mo pa maghihila sayo pababa. Sad pero yun ang totoo.”
Related Chika:
Jed masama ang loob dahil hindi makakanood ng BTS concert: I already had a ticket pero…
Kim Domingo umaming tumaba: Minsan kasi wala rin akong disiplina sa food!
Kim Domingo tinamaan na rin ng COVID-19; iyak nang iyak nang matanggal sa serye ni Jennylyn