Max Collins, Pancho Magno magkasamang ipinagdiwang ang birthday ng anak

Max Collins, Pancho Magno magkasamang ipinagdiwang ang birthday ng anak

BAKAS ang happiness sa mukha nina Max Collins at Pancho Magno habang magkasama nila ipinagdiwang ang 2nd birthday ng kanilang anak na si Skye Anakin.

Talagang effort sa outfit at twinning pa nga ang mag-ina sa kanilang astronaut get up para sa spaced-theme party ni Skye Anakin.

Nitong July 6 ay ibinahagi nina Max at Pancho sa kanilang mga Instagram account ang ilan sa mga kuha nilang pictures at videos nang i-celebrate nila ang kaarawan ng anak sa isang hotel sa Pasay City.

“Celebrated the birth of this little astronaut yesterday!” saad ng aktres sa kanyang caption kalakip ng larawan nilang pamilya.

Sey naman ni Pancho, “Happy 2nd birthday to our Skye! We love you so much [heart emoji] and it’s your 2nd birthday so dapat dalawang song and dalawang wish.”

Makikitang happy ang mag-ama habang kinakantahan nina Max at iba pang bisita ng birthday song si Skye Anakin.

Super happy naman ang mga netizens dahil muling nagkasama ang dalawa pagkatapos ang magkahiwalay na selebrasyon nila last year ng kaarawan ng kanilang panganay.

“Ayeeee ung 2nd photo parang naiiyak ako,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “First time ko makitang icelebrate niyo yung birthday ng baby niyo i’m happy.”

“Happiest bday skye! Yeheyy may family picture ulit sila .lagi akong nakaabang sa IG niyo.. sana pwede pa,” hirit pa ng isa.

Marami tuloy ang nagsasabing marahil ay hiwalay na sina Max at Pancho dahil dito bagay na hindi naman nila kinumpirma.

Pero may mga usap-usapan na mukhang nagkaayos na nga ang dalawa matapos ang balitang pagkakalabuan.

Maski noong nagdaang Father’s Day ay binati at pinasalamatan ni Max si Pancho sa pinakamagandang regalo nito sa kanya, ang anak na si Skye.

Anyway, magandang balita naman ito kung talagang muli nang nanunumbalik ang magandang pagsasama ng dalawa.

Related Chika:
Max Collins nag-explain kung bakit magkahiwalay sila ni Pancho Magno sa 2 b-day party ng anak

Kylie Padilla na-spluk na hiwalay na si Max Collins sa asawa

Max Collins, Pancho Magno dedma pa rin sa isyu ng hiwalayan; AQ Prime Stream mahigit 100 katao ang nabigyan ng trabaho

Read more...