Kapuso stars na ka-join sa 'Running Man PH' may makakasamang Korean stars sa shooting; Glaiza kape-kape muna sa Itaewon | Bandera

Kapuso stars na ka-join sa ‘Running Man PH’ may makakasamang Korean stars sa shooting; Glaiza kape-kape muna sa Itaewon

Ervin Santiago - July 05, 2022 - 07:21 AM

Kokoy de Santos, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales at Mikael Daez

NASA South Korea na ngayon ang buong cast and production ng “Running Man Philippines”, ang biggest reality game show ng GMA 7 ngayong 2022.

Naging warm at hospitable naman ang SBS Korea sa pag-welcome sa mga celebrity contestants ng nasabing reality show na pinangungunahan nina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Buboy Villar at Mikael Daez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


Habang hindi pa nagsisimula ang taping para sa programa, todo-bonding muna ang cast members. Sa Instagram, ipinasilip ni Kokoy ang naging food trip ng grupo at pamamasyal sa Itaewon, kung saan matatagpuan ang dining and nightlife centers sa Seoul. Dito rin kinunan ang hit K-drama na “Itaewon Class.”

Sa kanyang IG account naman, nag-share si Glaiza ng solo photos niya sa isang lugar sa Itaewon kung saan makikita siyang nagkakape.

Aniya sa caption, “Hindi mawawala sa everyday routine ko ang pagkakape. Winding down on a Saturday at Anthracite in Itaewon. Tara kape.”

Samantala, todo-abang na rin ang fans kung saang bahagi ng South Korea gaganapin ang mga challenges na haharapin ng mga Kapuso stars at kung sinu-sinong Korean stars ang makakasama nila habang nagsu-shoot sila roon.

Abangan ang iba pang updates tungkol sa “Running Man PH” sa GMA 7.

* * *

Habang patuloy ang pagtutok ng Kapuso viewers sa suspense-drama series na “Love You Stranger”, hindi pa rin mahanap ang mga kasagutan sa misteryong bumabalot sa kuwento nito.

Hirap dumiskarte si Ben (Khalil Ramos) kay LJ (Gabbi Garcia) dahil palaging agaw-eksena si Tristan (Gil Cuerva) sa kanilang alone time.

Mukhang hindi na nagsasayang ng oras si Tristan upang maipakita na interested siya kay LJ. Sa sobrang pagseselos naman ni Ben ay naging iritable ito sa set dahil wala si LJ sa tabi niya.

Hindi rin nakatulong sa nararamdaman niya ang nakitang muntikang pag-kiss nina LJ at Tristan dahil sa ‘di inaasahang insidente.

Samantala, nagsisimula na ang paghahanda ng Lilom: The Movie Film Team para sa Lilom Festival sa Sta. Castela. Dito na kaya mapapatunayan na totoo ang Lilom at sino ang susunod na mabibiktima nito?

Huwag papalampasin ang susunod na mangyayari sa kwento ng pag-ibig sa gitna ng mga nakatagong misteryo sa “Love You Stranger,” Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. pagkatapos ng “Bolera” sa GMA Telebabad.

https://bandera.inquirer.net/314398/kapuso-stars-na-napili-sa-running-man-ph-ibabandera-na-bukas-sa-24-oras-2-buwan-magsu-shooting-sa-korea

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307901/catriona-magiging-saksi-sa-paghahanap-ng-bagong-p-pop-superstar-sa-reality-search-na-top-class
https://bandera.inquirer.net/284605/glaiza-iiwan-ang-pag-aartista-para-sa-pamilya-pangarap-ko-talagang-maging-ina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending