MARAMI sa mga netizens ang nag-aantay ng balita ukol sa kasalukuyang kalagayang ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Buhat kasi nang aminin nito kung ano ang rare disease na tumama sa kanya noong June 3 ay wala nang direktang balita mula kay Tetay ukol sa kanyang lagay.
At ngayong Huwebes ng madaling araw, June 30, ay muling nagbigay ng update sa kanyang Instagram account si Kris ukol sa kanyang kalusugan.
“For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo,” umpisa ni Tetay.
Sa pamamagitan ng kanyang open letter para sa yumaong kapatid at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay idinetalye niya ang mga pinagdaanan buhat nang magsimula ang kanyang gamutan.
“I had to do this corticosteroid challenge which unfortunately caused me to have unbelievable body pain,” umpisa ni Kris.
Aniya, mas masakit pa raw ito sa kanyang bone marrow aspiration. At makalipas nga ng ilang oras ay sa halip na gumaan ang kanyang pakiramdam ay tila kabaligtaran ang kaniyang naranasan.
“The hives started multiplying, then my body started to hurt all over. Normally, my pain tolerance is impressive but this time bunso started sobbing. Then ofcourse my BP (blood pressure) went haywire,” paglalahad ni Kris.
Ikinuwento rin niya na “sedated” siya mula noong May 7 hanggang May 11 dahil hindi niya kinakaya ang sakit na nararamdaman.
At para nga sa “good news”, ibinahagi niyang sumailalim siya sa cancer gene panel kung saan nagnegatibo siya sa pagkakaroon ng kahit anong uri ng cancer.
Normal rin ang kanyang kidneys at liver na siyang ipinagpapasalamat ni Kris.
Ngunit sa kasamaang palad ay tinamaan silang mag-iina ng COVID-19.
Inamin rin niya na ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit pinili ng dating pangulo na ilihim ang kanyang karamdaman noon.
“I want the privacy you had but unlike you who was never active on social media, I need to say goodbye properly because so many have reached out to me, prayed for me, and my sons and regardless of their political affliation they have prayed for me to get better,” sey ni Kris.
Pagkatapos raw niyang gumaling sa COVID-19 ay kinakailangan niyang ng 3-4 shots ng Xolair at matapos nito ay susubukan niya ang Rituxan.
“To spare everyone from having to google and for all to understand why I’m now choosing to say GOODBYE for NOW, RITUXAN is an immunosuppressant, in straightforward language, it is CHEMOTHERAPY but also used for some complicated autoimmune cases like mine,” rebelasyon ni Kris.
Pakiusap naman niya sa kapatid na isang taon na buhat nang namayapa, “Noy, help me please. These 2 only have me… please help me survive this, please?”
Nangako naman siya sa kanyang mga tagasuporta na hindi pa ito “permanent goodbye”.
“Ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers. I am forever #grateful.
“Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing,” sey ni Kris.
Related Chika:
Kris Aquino, mga anak nagpositibo sa COVID-19
Lolit Solis kay Moira: Baka gusto niya talaga na pag usapan ang kanyang married life