Lorma Colleges nakisimpatya sa estudyanteng hindi pinagmartsa sa graduation, wala raw intensyong manghiya
SINAGOT na ng pamunuan ng Lorma Colleges sa San Fernando, La Union ang kontrobersyal na issue tungkol sa estudyante nilang si John Marcelino Rosaldo na hindi umano pinagmartsa sa kanilang graduation ceremony.
Nag-viral ang kuwentong ito sa social media at nakuha ni John ang simpatya ng publiko kasunod ng matinding pamba-bash sa nasabing paaralan.
Graduating nursing student si John na isa sana sa mga tatanggap ng diploma sa kanilang commencement ceremonies noong June 23 ngunit hindi nga siya pinaakyat sa stage dahil sa naging problema sa naging payment niya para sa graduation fee.
Hindi napigilan ng nanay ni John ang maiyak nang masaksihan ang pag-pull out sa anak mula sa pila ng mga estudyanteng aakyat sa stage para tanggapin ang diploma.
Kahapon, June 28, naglabas na nga ng official statement ang Lorma Colleges hinggil dito sa pamamagitan ng presidente ng school na si Carol Lynn Macagba.
Idinaan ito sa official Facebook page ng kolehiyo. Naka-address ito sa mga Lormanians at sa pamilya Lorma.
Narito ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Lorma Colleges: “By this time, you may have heard about the circulating news regarding Lorma Colleges spread over social media and other outlets.
“We have been widely pre-judged by the public without their knowing the facts surrounding this story, and for this, I am truly sorry for all who are being affected and distressed by the public reactions.”
Sabi pa ng presidente ng kolehiyo, sinubukan ng pamunuan ng Lorma Colleges na makipag-ugnayan sa pamilya ni John para alamin ang tunay na nangyari, “There was no response to initial attempts so I personally sent an email on June 24 to say sorry for how his family, especially his mother, must have felt as portrayed in the video post.
“I requested for us to meet over the weekend, but the family has declined as of yesterday, June 26,” aniya pa.
“As we normally do, we investigate all aspects directly and completely to help us understand as much as possible before we make any conclusions so that we may address concerns responsibly.
“We have made factual discoveries that help understand the situation but the social media is not the proper forum for this as we are always respectful of all the parties involved,” sabi pa ni Macagba.
Wala rin daw intensyon ang management ng kolehiyo na hiyain si John o ng kahit sinumang estudyante.
Pagpapatuloy pa nito, “To the student involved and his family, I wish to express again that we sincerely sympathize with their family’s feelings.
“I also want to reassure them and everyone that there was no intention nor were there any actions made to cause public humiliation, embarrassment, unnecessary discomfort, stress or anxiety, to anyone,” ang nakasaad pa sa nasabing official statement.
https://bandera.inquirer.net/283312/bianca-napaiyak-sa-moving-up-day-program-ng-anak-nagpasalamat-sa-mga-teacher
https://bandera.inquirer.net/281988/kim-nagsalita-na-tungkol-sa-chikang-kasal-na-sila-ni-xian-gusto-rin-daw-maging-koreana
https://bandera.inquirer.net/311516/neri-miranda-nagtapos-na-ng-kolehiyo-may-kwelang-graduation-picture
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.