Aktor wala nang balak balikan ang mag-ina, busy sa bagong ‘apple of the eye’?

Aktor wala nang balak balikan ang mag-ina, busy sa bagong 'apple of the eye'?
MUKHANG wala nang plano ang aktor na muling mabuo ang pamilya niya dahil may iba na siyang apple of the eye na naging close niya sa lock-in shoot ng pelikulang nagawa niya early this year.

Si aktor ay hiwalay na sa kanyang partner pagkalipas nang ilang taong pagsasama at nabiyayaan sila ng anak pero patuloy ang kanilang komunikasyon at sa katunayan ay halos araw-araw pa rin silang nag-uusap para sa anak nila.

Nabalitaan din namin na kapag weekends o walang shoot/taping si aktor ay nandoon siya sa bahay ng ex-girlfriend para makasama ang anak.

Maganda ang relasyon ng aktor sa ina ng kanyang anak pero dahil may bago na siyang apple of the eye na aktres ay mukhang malabo na talagang magkabalikan sila ng nanay ng anak niya.

Base sa mga nakakakita sa aktor at sa aktres ay super sweet sila sa set at hindi naman na nila ito itinatago.

Wala lang kaming balita kung alam na ng nanay ng anak ni aktor na may iba na siya kasi sa huling usap nila ng common friend nila ay binibigyan lang niya ng time ang ama ng anak na magbago at kapag nagsabing sila na ulit ay tatanggapin niya.

“Iyon kasi ang binitiwang salita ni (aktor) kay (ina ng anak) na babalik din siya in time, bigyan lang siya ng panahon. E, sa tingin mo babalik pa? Nage-enjoy na kay (aktres), eh,” kuwento ng aming source.

Sa pagkakaalam din namin ay may sabit ang aktres, so hanggang kailan ang aktor sa puso nito.

“Sure ka bang nasa puso o nasa puson?” tumawang sagot sa amin ng source.

Naku, wait na nga lang natin ang mga susunod na kabanata sa buhay ni aktor at ng aktres.

* * *

Hanggang ngayong araw na lang ang Pelikulaya 2022 sa Cinematheque Center Manila, Gateway Cinemas at Alimall Cineplex.

Free admission at ang mga pelikulang puwedeng mapanood ay ang mga sumusunod:

Sa Cinematheque Centre Manila; From His/Her/Their Lens: A Nick Deocampo Film Retrospective (Set B): “The Sex Warriors and the Samurai” & “Oliver” 10:00AM First come, first served basis for free screenings.

Mapapanood naman sa Gateway Cineplex Cinema 1 Spectra Pelikula: “Traslacion: Ang Paglalakad sa Altar ng Alanganin” 1:30PM; Rainbow World Cinema: Boys Don’t Cry” 4:30PM “Gameboys The Movie” 7:30PM.

Related Chika:
Aktres na may bagong series, bagong apple of the eye ng mayamang negosyante

Ryza may third eye, ginugulo ng mga multo: Sumigaw talaga ‘ko, ‘pwede ba, magpatulog kayo? Pagod na pagod na ‘ko!’

Read more...