Ai Ai delas Alas nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang adoptive mother

Ai Ai delas Alas nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang adoptive mother
KASALUKUYANG nagluluksa ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa pagkamatay ng kanyang adoptive mother na si Justa delas Alas.

Nitong June 23, dalawang araw matapos siyang lumipad patungong Amerika ay binawian na ng buhay ang kanyang kinikilalang ina sa edad na 93.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang video na tribute niya sa kinilalang ina simula pa noong bata siya. Kuha ang mga ito noong nag-celebrate ang adoptive mother ni Ai Ai ng ika-90th birthday.

“Ma mi miss kita MAMA, MOMMY, MOTHER GOOSE, MUDRAKELS , and originally INAY .. 90th bday nya to .. hindi na nya inabot sa july 19 dapat 94 na sya.. di bale mama goodlife ka naman atsaka hindi ka nahirapan sa pag alis mo,” saad ni Ai Ai.

Aniya, the nest talaga ang Maykapal dahil ipinagkaloob sa kanya ang panalangin niyang huwag nang mahirapan ang ina.

“I love you and thank you sa pag mamahal , pag alaga , at pag papaaral sa akin. Rest ka na mama .. kamusta mo ako kay LORD AND MAMA MARY,” dagdag pa niya.

Isang magandang desisyon na rin siguro ang naging pag-uwi niya ng Pilipinas ngayong taon dahil kahit papaano ay nakasama pa niya ito bago ito namaalam.

Si Justa ay ang kapatid ng biological father ni Ai Ai na siyang nag-aruga at nagpaaral sa Kapuso star hanggang sa pumasok ito sa mundo ng showbiz.

Lubos namang nakikiramay ang mga kaibigan at kasamahan ng Comedy Queen sa industriya sa pagkawala ng kanyang kinikilalang ina gaya nina Zsa Zsa Padilla, Iza Calzado, at Rita Daniella.

Related Chika:
Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her

 

Read more...