Sey ni SUNSHINE, ‘SAKIT’ ni CESAR hindi nagamot ng himala | Bandera

Sey ni SUNSHINE, ‘SAKIT’ ni CESAR hindi nagamot ng himala

Ervin Santiago - September 24, 2013 - 03:00 AM

ILANG beses palang humingi ng himala o milagro si Sunshine Cruz para matanggal ang pagiging playboy ni Cesar Montano – pero  hindi ito ibinigay sa kanya.

Aniya, ginawa niya ang lahat para sagipin ang kanilang relasyon sa loob ng 13 taon, pero hanggang du’n na lang daw talaga.
Ayon kay Sunshine nang magpainterbyu siya sa The Buzz nu’ng Linggo, “Everybody knows that I gave our relationship a lot of chances.

Ilang beses akong humiwalay, nagpaamo, bumalik, humiwalay na naman, nagpaamo, bumalik. So parang I know in my heart and in my mind that I did everything to make it work pero talagang 13 years na, eh.”

Sey ng aktres, kung hindi man nabigyan ng milagro ang pagbabago ni Buboy, siya raw ang nakatanggap ng himala, “I got my miracle and it was me who changed.

Kasi first boyfriend so, nandoon yung feeling mo na mamamatay ka o hindi mo kakayanin pag nawala yung tao na ito sayo. At ito nga dumating yung milagro na kaya ko naman pala.”

Sa ngayon, talagang ayaw na niyang makipagbalikan kay Cesar, “Kelan ko pa pagdedesisyunan na siguro it’s time to love myself more kung kelan 50 anyos na ako? So 13 years is enough kasi yung mga bata yung naaapektuhan at sila na mismo ang nagsasabi sa akin na merong problema.”

Dagdag pa ni Sunshine, sa bawat desisyon naman na ginagawa niya ay lagi pa rin niyang iniisip ang kapakanan ng kanyang mga anak, “Pero kasi ayokong pagdating ng panahon na malalaki na sila iisipin nila na kung anuman ang ginagawa o nangyayari sa amin, eh normal lang at kailangan rin nilang pagdaaanan.

Ayoko. Ako na lang  ang masaktan wag na sila.” Natutuwa rin ang aktres na matatalino ang mga anak nila ni Buboy at naiintindihan ng mga ito ang mga nangyayari, “Klaro na sa kanila dahil sinabi ko naman sa kanila, ‘Alam niyo na ginawa ko ang lahat para magsama talaga kami ng Dad niyo forever pero  may mga bagay na hindi talaga pwedeng ipilit.’”

“Kasi hindi rason yung may tatlo lang kayong  anak at kailangan magsama parin kayo. No, that would be unfair for me and for my husband and for my children,” hirit pa ni Sunshine.

At sa lahat ng mga gulo at iskandalong nangyari sa kanila ni Cesar, “Kung ano man yung dumating sa akin nagpapasalamat pa rin ako because it made me a better person, a stronger person.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang hinding-hindi ko talaga pagsisisihan sa amin ng asawa ko eh, yung nagkaroon ako ng tatlong  mababait na anak.”
Huling linggo na ng seryeng Dugong Buhay sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN kung saan kasama nga si Sunshine with Ejay Falcon, pero tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ng aktres dahil mapapanood pa rin siya sa bagong teleserye ni Andi Eigenmann na Galema.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending