Vien, Junnieboy ng Team Payaman magkaka-baby girl na

Vien, Junnieboy ng Team Payaman magkaka-baby girl na
LABIS ang kasiyahan ng mag-asawang social media influencer na sona Junnieboy at Vien Velasquez nang malaman nila magkakaroon na sila ng baby girl.

Sa kanilang vlog kahapon, June 21 ay ibinahagi nila ang naganap na gender reveal ng kanilang second baby.

“So sinabay ko talaga ang gender reveal sa Father’s Day. Siyempre para gift ko na rin kay Junnieboy,” pagbabahagi ni Vien.

Marami sa mga Team Payaman ang humula na babae ang susunod nilang anak base na rin sa naging obserbasyon nila sa ugali nito habang nagdadalangtao.

“Girl. Masungit e. Kapag masungit daw ang babae, girl daw yun,” sagot ni Junnie nang tanungin kung ano nga ba ang nararamdaman niyang gender ng kanilang baby no. 2.

Maski ang panganay na anak nilang si Mavi ay hinihiling rin na sana magkaroon siya ng little sister.

Kahit si Vien ay umaasa na sana nga ay babae ang maging anak pero happy naman daw sila kung ano man ang ipagkaloob ng Diyos.

Kaya naman nang ma-reveal na ang gender ng kanilang susunod na anak ay labis ang tuwa at nagtatatalon ang dalawa matapos malaman na natupad ang kahilingan nilang maging babae ang kanilang little one.

Sa ngayon ay tatlong buwan na ang ipinagbubuntis ni Vien.

Aminado siya na hindi siya madalas magbigay ng update ukol sa kanyang pagbubuntis dahil natatakot siya na baka raw ma-jinx ito.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lang nang ibahagi ni Vien ang balitang buntis siya sa ikalawang anak nila ni Jhunie, ilang buwan matapos ang kanilang pagpapakasal.

“My God! Thank you, Lord! Ang tagal naming hinintay to, as in. Ang tagal naming hinintay na magkaroon ng kapatid si Mavi,” masayang saad nito.

Related Chika:
Vien Ilagan-Velasquez ng Team Payaman buntis na sa ika-2 anak: Ang galing ng semilya ni Jun-jun!

Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko

Read more...