NASAGOT na ang matagal nang bulung-bulungan ukol sa diumano’y pagtawid ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo papuntang Kapuso network.
Marami kasi ang kumakalat noon na lilipat na raw ang singer-actress sa GMA-7 maging ang singing competition na “The Voice” na unang napanood sa ABS-CBN.
May mga kumalat pang balita na isa pa nga raw si Sarah mga sa magiging coach ng singing competition.
Nagsimulang umere ang “The Voice” sa Kapamilya network noong 2014 at huli itong napanood nong 2019.
Wala pa namang kumpirmasyon mula sa GMA kung totoo nga bang ipapalabas na sa Kapuso network ang naturang show.
Base rin sa mga chika ay ang magiging host daw ay ang dati ring Kapamilya na si Xian Lim. Maging si Bamboo Mañalac daw ay makakasama raw ni Sarah bilang coach pati na rin sina Julie Anne San Jose at Pops Fernandez.
Sina Sarah at Bamboo ay isa sa mga original coaches ng programa nang ipalabas ito sa ABS-CBN kasama sina Lea Salonga at Apl.de.Ap.
Ngunit tila wala naman palang katotohanan ang mga kumakalat na chika dahil mananatiling Kapamilya pa rin ang singer-actress base na rin sa source na nakapanayam ng pep.ph.
Sa katunayan nga ay magbabalik na ito sa “ASAP Natin To” ngayong darating na Hulyo.
Sa kabila ng kanyang pagbabalik-telebisyon ay hindi naman siya regular na makikita sa programa dahil isang beses sa isang buwan lamang siya mapapanood sa longest musical-variety show ng ABS-CBN.
Ito ay dahil nais ni Sarah na matutukan ang pagiging asawa kay Matteo at abala rin ito sa pagre-record ng kanyang bagong kanta para sa bagong album.
Related Chika:
Sarah Geronimo may paalala sa mga botante: God bless the Philippines!
Anne Curtis, Sarah Geronimo magbabalik pelikula na
Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako