Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

Lovi Poe 'sinita' ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

PABIRONG nag-react ang boyfriend ni Kapamilya actress na si Lovi Poe na si Montgomery Blencowe sa social media post ng dalaga.

Nag-post kasi ang actress sa kanyang Instagram account ng larawan nila ng isa sa mga Kapamilya hearthrobs na si Piolo Pascual.

Caption ni Lovi, “”Yes, mahal? Daan tayong @itsshowtimena mamaya? @piolo_pascual.”

Agad namang umani ng comments at likes mula sa madlang pipol ang naturang post ng dalaga at nakita na nga rin ito ng kanyang dyowa.

“So this is what you’re up to when I’m not around,” saad ng dyowa ni Lovi.

Reply naman ng dalaga, “LOLLOL (laughing emojis)”.

Hindi naman papahuli si Piolo at sinakyan rin ang post ng kapareha.

 

 

“Eto nagpapapogi na para sayo mahal @lovipoe ehehe,” sey naman ni Piolo.

Bukod naman sa dyowa ni Lovi ay marami ring netizens ang nag-comment at talaga namang kinikilig sa tambalan nila ni Piolo.

“Sana all mahal,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “Bagay na bagay! Sana kayo na lang for real.”

“Grabe ang titigan sa showtime! Kakilig,” hirit pa ng isa.

Para sa mga hindi aware, ready nang magpakilig sina Lovi at Piolo sa kanilang Philippine adaptation ng South Korean series na “Flower of Evil”.

Ito ang kauna-unahang proyekto ng dalaga mula nang lumipat ito sa Kapamilya network.

Samantala, naging usap-usapan rin si Lovi Poe lately nang i-post nito ang larawan nila ng Korean star na si Kim Soo Hyun nang magkaroon ito ng fan meetin sa MOA Arena noong June 10, 2022.

Agad naman niyang nilinaw na “pumila” siya para matupad ang larawan kasama ang poging Korean leading man.

“Let it be known… pumila ako guys,” sey ni Lovi.

Related Chika:
Lovi Poe biglang na-conscious kay Piolo, bakit kaya?

Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years!

Lovi wala pang desisyon kung iiwan ang GMA para lumipat sa ABS-CBN

Read more...