Saan nga ba napunta ang pera ni Tom Rodriguez?

Saan nga ba napunta ang pera ni Tom Rodriguez?

MARAMI sa mga netizens ang nagulat sa naging pasabog na pahayag ng Kapuso star na si Tom Rodriguez kahapon, June 17, ukol sa kanilang paghihiwalay ng dating asawang si Carla Abellana.

Pero bukod sa naging statement ni Tom na ipinadala ng kanyang talent manager na si Popoy Caritativo ukol sa kanilang opisyal na paghihiwalay, marami sa netizens ang na-curious ukol sa isang parte ng kanyang pahayag ukol sa pera.

Naubos kasi ang pera ng aktor matapos itong mabiktima at maloko ng mga taong pinagkatiwalaan niya.

“I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly fair. I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility,” saad ni Tom sa kanyang official statement.

Bagamat hindi na rin pinangalanan ng aktor kung sino ang kanyang timutukoy na nanloko sa kanya na dahilan ng pagkawala ng kanyang pinaghirapang pera, labis itong nakaapekto sa samahan nilang mag-asawa.

Sa kabila ng problema sa pera ay nilinaw naman ni Tom na kahit kailan, hindi niya pinagbuhatan ng kamay ang dating asawa.

 

 

Isa rin ang dating mag-asawa sa mga naging topic sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh.

Parte ng naging usapan nila ay ang pagkakaubos ng pera ng Kapuso actor sa kabila ng maraming projects na nagawa nito noon.

“May nakapagsabi sa akin na sumali sa isang negosyo o nag-invest sa isang negosyo itong si Tom na natalo siya ng more than, kung hindi ako nagkakamali, 24M,” saad ni Ogie.

Tanong naman ni Mama Loi, ” Ano yan, nay? Natalo o na-scam?”

“Yun nga. Hindi ko alam kung na-scam siya o nalugi yung negosyong kanyang pinasukan kaya walang pera si Tom.

“Yun ang sabi sa akin. Pwede rin naman yant i-deny yan o i-correct at aware daw doon si Carla sa perang na-lotlot de leon (natalo),” sey pa ni Ogie.

Sa ngayon ay nasa Amerika ang aktor kasama ang kanyang pamilya at mukhang doon muna niya susubukan ang kanyang swerte sa pagsisimula ng bagong yugto ng kanyang buhay.

Samantala, hangad naman namin na magong maayos na ang lahat para kina Carla at Tom sa kabila ng kanilang hindi magandang paghihiwalay.

Related Chika:
Carla Abellana naghahanda na sa pagpa-file ng annulment; Tom Rodriguez hugot na hugot sa breakup

Tom Rodriguez, Carla Abellana divorce na: It was not a perfect relationship, but we both know how much we loved each other

Carla tuloy ang pagla-like sa pang-ookray ng netizens kay Tom; imposible na bang magbalikan?

Read more...