Anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak spotted kasama ni Kobe Paras

Erika Rae Poturnak spotted kasama ni Kobe Paras
USAP-USAPAN ngayon sa social media kung ano nga ba ang namamagitan sa anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak at Kobe Paras na anak naman ng basketball player-comedian na si Benjie Paras.

Nag-upload kasi ang anak ni Ina sa kanyang Instagram stories ng mga polaroid photos mula sa beach trip nito kasama si Kobe.

Kitang kita at halata naman na sweet na sweet sa isa’t isa ang dalawa.

Walang caption ang kanyang Instagram story ngunit ni-repost ito ni Kobe.

Hindi naman nag-solo ang dalawa sa naturang beach trip nila dahil base sa mga larawan ay may dalawa pa silang kasamang kaibigan.

 

 

Kaya naman marami sa mga netizens ang curious kung mag-dyowa nga ba ang dalawa.

Hirit nga ng iba, pagod na sila sa mga balita ukol sa mga naghihiwalay kaya naman sana ay bagong balita naman ang mabasa nila.

Matatandaan na idine-date noon ni Erika ang model na si Chris Card ngunit naghiwalay sila noong 2021.

 

 

Mismong ang dalaga pa nga ang nagkumpirma patungkol sa kanilang break-up sa kanyang TikTok account.

Inamin rin ni Erika na niloko siya ng naturang model.

Samantala, si Kobe naman ay single ngunit nagkaroon ito ng girlfriend na isang U.S. based musician na si Gabrielle Current.

Hanggang ngayon ay wala pa ring paglilinaw sina Erika at Kobe hinggil sa tanong ng mga “Marites”.

Related Chika:
Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters

Daniel pabor kay Kobe Paras: Sana alisin na ang bilang ng likes at followers sa socmed

Jackie Forster super proud kina Andre at Kobe: Hindi sila nagpaapekto sa mga haters!

Read more...