KABILANG na rin ang nag-iisang Charo Santos-Concio sa mga mapapanood gabi-gabi sa Kapamilya aksyonseryeng “Ang Probinsyano”.
Isang teaser kasi mula sa episode kagabi ang ipinalabas kung saang may pa-reveal sa pagpasok ng award-winning actress sa teleserye.
“Isang babae ang magsisilbing liwanag sa kanilang madilin nadaan!” saad sa promotional post ng Dreamscape Entertainment.
Makikita rin sa naturang teaser ang pakikipagkita ng Task Force Aguila kay Charo sa kanyang tahanan.
Wala naman nang ibang ibinahagi detalye ang produksyon ng “Ang Probinsyano” sa kung ano nga ba ang gagampanan ng ABS-CBN executive.
Marami tuloy sa mga netizens ang tila curious kung ano nga ba ang magiging role niya sa teleserye.
“Wow! so many great actors in Probinsyano. Looking forward to Mam Charo… Suspense!” saad ng iang netizen.
Dagdag pa ng isa, “ma’am Charo Santos is d best may gagampanan syang papel sa Ang Probinsyano , aabangan po nmin forever kapamilya. Congrats Ang Probinsyano”
May mga nagsasabing kna baka ang role niya ay ang nakababatang kapatid ni Lola Flora na ginampanan ng yumaong si Susan Roces.
May mga nagsasabi rin na baka nga siya ang tunay na ina ni Cardo Dalisay (karakter ni Coco Martin) at muli na silang magkikita.
Marami rin ang excited na muling mapanood si Charo sa telebisyon bukod sa programa nitong “Maalaala Mo Kaya” at makitang muli ang kanyang pag-arte.
Samantala, ibinahagi naman ni megastar Sharon Cuneta ang promotional artcard para sa pagpasok ng “mmk” host sa naturang teleserye.
Saad niya, “Wow!!! Ma’am CHARO is joining our family!!! Isang babae ang magsisilbing liwanag sa kanilang madilim na daan! Abangan si Ms. Charo Santos-Concio sa FPJ’s Ang Probinsyano! ”
Bukod sa paglabas ng karakter ni Charo ay kaabang-abang naman ang magiging sagupaang muli nila Cardo at Lito (Richard Gutierrez) na base sa teaser ay parehas na nagmahal kay Alyanna (Yassi Pressman).
Related Chika:
Bakit tinanggap ni Charo Santos-Concio ang pelikulang ‘Kun Maupay Man It Panahon’?
Charo Santos inatake rin ng anxiety dahil sa pandemya: Hinarap ko yung takot ko sa COVID
6 tips ni Charo para sa mga laging nagtatanong ng ‘kaya ko ba ‘to?’