Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa 'It's Showtime'

KASALUKUYANG isa sa mga hurado o ang tinatawag na “authori-team” ng isang segment sa “It’s Showtime” na si Annabelle Rama.

Kasama niya sa paghuhurado ang kanyang mga anak na si Ruffa Gutierrez at Raymond Gutierrez.

Chinika-chika nga ni Vice si Annabelle at kinamusta nito ang pagdya-judge ni Ruffa at kung ano nga ba ang masasabi niya sa anak base sa obserbasyon nito.

“Magaling ba mag-judge si Ruffa, Tita Annabelle?” curious na tanong ni Vice.

Sagot naman ng asawa ni Eddie Gutierrez, “Sometimes, parang wala sa sarili.”

 

 

“Tita Annabelle, bakit kaya parang wala siya sa sarili?” sundot na tanong ng isa pang host na si Ogie Alcasid.

“Baka busy sa cellphone,” sagot nito.

Sumingit naman si Vice at inusisa kung sino ba ang ka-text o kausap palagi ni Ruffa sa cellphone.

“Sino pa nga ba?” sabi nito at tumingin kay Ruffa.

“Sino pa nga ba Ruffa? Yung kaibigan mo, si Herbert,” panlalaglag ni Annabelle.

Matagal nang usap-usapan kung msy something nga ba ang aktres at ang dating alkalde ng Quezon City ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin naman silang direktang pag-amin ukol rito.

Tawang-tawa naman sina Vice, Jhong, at Ogie sa pa-reveal ng ina ng kaibigan.

Si Ruffa naman ay napanganga at tila speechless na lamang sa sinabi ng kanyang mommy at sinabing “Ma, you’re so… nakakaloka ka, Ma!”

Sey naman ni Vice, “Alam mo Tita Annabelle, si Ruffa, siya ‘yung Annabelle Rama sa ibang judges na babae.”

Matatandaang si Ruffa ang unang magbuko sa beauty queen na si Nicole Cordoves na single na itong muling matapos ang kanyang pitong taong pakikipagrelasyon sa non-showbiz boyfriend nito.

Related Chika:
Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

Jayke Joson hinamon si Annabelle Rama na maglabas ng ebidensiya: Or I will sue them in court

Annabelle Rama tinuluyan ng NBI, kinasuhan ng cyber libel dahil sa socmed post laban kay Jayke Joson

Jayke Joson sinampahan ng cyberlibel si Annabelle Rama: Hindi ka rin namin aatrasan doon

Read more...