Julia Barretto, Gerald Anderson magpapakasal na nga ba?

Julia Barretto, Gerald Anderson magpapakasal na nga ba?
USAP-USAPAN ngayon kung may plano na nga bang lumagay sa tahimik ang celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Sa kabila ng mga napapabalitang kaliwa’t kanang break ups ngayong taon, marami pa rin namang mga relasyon ang nagtatagumpay at nauuwi na sa pagpapakasal.

Kaya naman curious ang mga netizens kung malapit na nga ba sa kasalan stage ang relasyon nina Julia at Gerald na parehong dumalo sa nagdaang kasal ng dating “Pinoy Big Brother” teen housemate na si Joe Vargas at vlogger na si Bianca Yanga.

May video kasi na ipinost si Bianca mula sa kanyang kasal kung saan nakahilera sa kanyang likod ang kanyang mga bridesmaid at naghihintay sa bouquet na kanyang ibabato nang patalikod.

Isa si Julia sa mga bridesmaids ni Bianca habang si Gerald naman ay parte ng best men ni Joe.

Sa hinaba-haba ng inantay ng mga bridesmaid kabilang sina Ria Atayde, Chie Filomeno, Gabbi Garcia, Magui Ford, at iba pa, ang anak pa rin ni Marjorie ang nagwagi sa huli dahil sa kanya mismo inabot ng bride ang naturang bouquet.

Base sa caption ni Bianca, sinunod raw niya ang gusto ni Gerald. Super saya naman nina Gabbi at Magui matapos makita na sa aktres nga ibinigay ang bouquet.

 

 

Kaya naman marami sa mga netizens kung ito na nga ba ang pagpapahiwatig na baka anytime ay mag-propose na ang Kapamilya actor kay Julia.

“OMG my JuRald,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “GERALD AND JULIA LEZZGO!”

Kita rin ang heart emoji comments ng kapatid nitong si Leon Barretto at tila aprub na aprub sa nangyayari.

Maging si Gerald ay nag-comment ng tatlong heart emoji ng bride ni Joe.

Makikita rin sa video na may mga nakikipag-hand shake rin sa aktor matapos ang pag-aabot ni Bianca ng bouquet sa kanyang girlfriend.

So malapit na nga ba kaming makarinig ng wedding bells mula sa JuRald?

Related Chika:
Julia may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald

Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’

Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Read more...