ITINANGHAL bilang National Artist ang Superstar na si Nora Aunor, ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa mga personalidad na may malaking ambag sa Philippine arts.
Isa ang award-winning actress sa walong idineklarang national artists ng Malacañang na inanunsyo ni National Commission for Culture and Arts Chairman Nick Lizaso kahapon, June 10.
Si Ate Guy ay idineklara bilang National artist for Film and Broadcast Arts. Ang iba pang pinarangalan bilang National Artists ngayong taon ay sina Ricky Lee (Literature), Agnes Locsin (Dance), Gémino Abad (Literature), Fides Cuyugan-Asensio (Music), at ang mga yumaong sina Tony Mabesa (Theater), Salvacion Lim-Higgins (Fashion), at Marilou Diaz-Abaya (Film).
Ito na ang pangalawang set ng mga National Artists na pinarangalan ni Presidente Rodrigo Duterte magmula noong 2018.
Makakatanggap ng P100,000 (net of taxes) ang mga living awardees samantalang ang legal heirs ng mga posthumous awardees ay makatatanggap ng P75,000 (net of taxes).
Bukod rito ay mayroon rin sila ng monthly life pension, medical and hospitalization benefits, life insurance coverage (para sa mga insurable pang awardees), state funeral at burial sa Libingan ng mga Bayani.
Matatandaang noon pa man ay may panawagan nang ideklara bilang isa sa mga national artists si Ate Guy ngunit hindi siya isinama noong 2014 dahil na rin sa desisyon ng Malacañang.
Marami sa mga celebrities ang tila na-disappoint sa desisyong ito ng yumaong dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III gaya na lang nina Maricel Soriano, Robin Padilla, at Piolo Pascual ngunit ipinaliwanag naman ng dating presidente ang dahilan kung bakit hindi ito isinama noong panahon na yun sa listahan ng gagawaran ng parangal.
“Ginagalang ko siya, kinikilala ko yung kanyang trabaho at ‘yang mga obra. Pero ang problema ko, mukhang mas mataas yung prayoridad na maliwanag na may mensahe na yung droga zero tolerance tayo dito, mali all the time,” saad ng yumaong dating presidente.
Lubos naman na nagpapasalamat si Ate Guy sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.
“Maraming salamat po sa ating mahal na Pangulo na si President Rodrigo Duterte at mga taong nasa likod ng napakataas na karangalang ito,” saad niya sa inilabas na official statement nitong Biyernes ng gabi.
Related Chika:
Ate Guy naturukan na rin ng COVID vaccine matapos dumaan sa tamang proseso
Pelikula nina Gloria, Vilma at Nora babandera sa 1st Philippine Film Industry Month ng FDCP
Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor