Winwyn ibinandera kung gaano kaalaga si Joey sa kanyang mga apo

Winwyn ibinandera kung gaano kaalaga si Joey sa kanyang mga apo

PROUD na ibinahagi ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez kung gaano ka-caring ang kanyang amang si Joey Marquez sa mga apo nito.

Sa kanyang Instagram post ay ibinandera nito ang larawan ng aktor na super hands on sa pag-aalaga ng kanyang apo na si Baby Luna.

“Lolo Joey duties,” saad ni Winwyn sa kanyang post.

Halatang super happy ng puso ng aktres sa kanyang nakikita dahil kung noon ay siya ang inaalagaan ng ama ay ngayon naman ang kanyang first-born child na ang pinagtutuunan nito ng oras para masiguro na maayos ang kalagayan ng apo.

Bukod sa baby ng beauty queen-actress ay binabantayan rin ni Tsong Joey ang isa pa niyang apo na si Clay.

 

 

Base sa post ni Winwyn ay kakatanggap lang ni Baby Luna ng kanyang first vaccine at makakatulong raw ang cold compress kaya naman ito abala ang lolo sa pagsasagawa ng cold compress sa lugar kung saan tinurukan si baby Luna.

“Luna just got her first vaccine and our pedia told us na makakahelp ang cold compress sa area para di mamaga and hindi siya magkafever,” sey ng first time mommy.

“Lolo’s love is the sweetest,” saad ng isang follower ni Winwyn.

Dagdag pa ng isa, “Magaling mag-alaga mga lolo, idol.”

Samantala, sobrang kinagiliwan rin ng mga netizens ang naging Instagram post ni Winwyn kung saan tila inayusan niya ang anak gaya ng kanyang look noong koronaha siya bilang Reina Hispanoamericana noong 2017.

“My little princess, mama will be right here watching you conquer and change the world someday,” caption niya sa kanyang post.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lang nang isilang ni Winwyn ang kanyang panganay na anak sa non-showbiz boyfrirnd nito.

Sa ngayon ay hindi pa rin ibinabahagi ni Winwyn kung sino nga ba ang ama ng kanyang cute bany girl pero ayon sa mga chika ay isa ito sa mga pinakamalapit na kaibigan ng beauty queen-actress mula pa noong pagkabata.

Related Chika:
Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko

Winwyn inaatake ng postpartum, ilang araw umiiyak pagkapanganak kay Baby Luna

Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing ‘greatest gift’ niya si Baby Luna

Read more...