TRENDING ngayon ang aktor na si Ian Veneracion sa social media matapos mag-viral ang naging pahayag nito ukol sa pambababae.
Sa panahon ngayon kung saan kaliwa’t kanan ang napapbalitang hiwalayan lalo na sa mga celebrities, ibinahagi naman ng aktor ang istorya kung paano siya nananatiling faithful sa kanyang asawa na mahigit dalawang dekada na niyang kasama.
“I made a promise to her no’ng kinasal kami and a promise to society. But more than that, I made a promise to myself, which for me, is the most important thing. I promised to take care of this person for the rest of my life,” saad ni Ian sa kanyang naging interview kay Karen Davila.
Hindi naman mapigilan ng mga netizens na humanga sa aktor lalo na at sunod sunod na nga ang napapabalitang hiwalayan at tinagurian na nga ang 2022 bilang “year of break ups”.
Nagbigay rin ng payo si Ian sa kanyang mga anak ukol sa pakikipagrelasyon at pambababae.
“Madaling mambabae, kahit sino puwedeng mambabae. There’s nothing cool about it. Pero ’yung sticking to the one you know that’s meant for you, that’s the right path. It takes more of a man to be like that,” sey ng aktor.
Mayroong dalawang anak si Ian. Ito ay sina Tristan Draco at Duccio at 24 years na itong happily married ang beteranong aktor kay Pam Gallardo.
Related Chika:
Geneva Cruz may pa-throwback kasama si Ian Veneracion: Who wouldn’t have a crush on him?
BL series actor Paolo Pangilinan nagsalita na sa isyu nila ni Juan Miguel Severo
Jessy nangako sa amang Lebanese: I promise, you will be able to walk me down the aisle
YouTuber Camille Trinidad ibinuking ang pambababae ni Jayzam: Hindi ko kaya…sobrang bigat
Madam Inutz nakatanggap ng P137k matapos mag-viral sa socmed