Ken Chan, Bianca Umali planong magsosyo sa negosyo: Gusto namin sure na sure na bago namin sabihin sa inyo | Bandera

Ken Chan, Bianca Umali planong magsosyo sa negosyo: Gusto namin sure na sure na bago namin sabihin sa inyo

Ervin Santiago - June 06, 2022 - 07:50 AM

Bianca Umali at Ken Chan

PAGKATAPOS magsama sa isang serye at mas maging close pa sa isa’t isa, nagpaplano nang magsosyo sa negosyo ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Ken Chan.

Ayon kina Ken at Bianca, ngayong tapos na ang kanilang Kapuso primetime series na “Mano Po Legacy: Her Big Boss”, pwede na nilang ituloy ang kanilang matagal nang binabalak na “collab.”

Mukha ngang marami nang napagplanuhan ang dalawang Sparkle artists ng GMA habang ginagawa nila ang “Mano Po Legacy: Her Big Boss”, kabilang na nga riyan ang kanilang joint business venture.

“Mayroon kaming plano ni Bianca. Actually, mayroon kaming gagawing business ni Bianca pero hindi pa namin alam kung ano. Kasi sabi namin after ng Mano Po, planuhin na natin,” pahayag ni Ken sa isang panayam.

Pinag-uusapan na raw nila ng Kapuso actress-singer kung anong klaseng negosyo ang gusto nilang pasukin pero definitely raw pareho nilang passion ito at talagang nasa puso nila.

“Ang dami naming pinagpipilian na mga business. Definitely, magkakaroon kami ng business ni Bianca. Hindi puwedeng hindi. Pinipili lang namin talaga kung ano ‘yung swak sa aming dalawa,” sey pa ni Ken.

Chika naman ni Bianca, “Yes, Kenny, matutuloy ‘yan. Mase-share namin sa inyo ‘yung mga plano namin kapag na-execute na namin in time.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


Hirit uli ni Ken, “Gusto namin, sure na sure na bago namin sabihin. But ngayon, ang masasabi ko lang po is yes, magkakaroon.

“Bukod sa Cafe Klaus na sobrang masaya po ako, ito po, mayroon po akong pinaplano na negossyo,” lahad pa ng Kapuso actor at TV host.

In fairness, parehong nakapagsimula ng kani-kanilang business ang dalawang Kapuso stars noong kasagsgan ng COVID-19 pandemic.

Pag-aari ni Bianca ang Contrast Social, isang analytics company at Transcend Studios, na isang production house.

Si Ken naman ang nagmamay-ari ng Cafe Claus restaurant at nagkapag-franchise na rin siya ng gasoline station. Ang bongga, nila jiva!

https://bandera.inquirer.net/309162/bianca-nagdyi-jeep-tricycle-mrt-kapag-may-shooting-dahil-kulang-ang-pera-saka-yung-mga-damit-ko-galing-palengke
https://bandera.inquirer.net/311694/ken-chan-tinraydor-ang-sakit-pala-kapag-ang-taong-malapit-sa-yo-ay-kaya-kang-siraan-buti-na-lang-talaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291028/bianca-umali-nagpabakuna-para-sa-kapakanan-ng-pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending