Gerald sa isyu ng ‘cheating’ at second chance: Mahirap yun kasi nasira na ‘yung trust…kumbaga may lamat na
“KAILANGANG patunayan mo uli na karapat-dapat kang pagkatiwalaan uli.”
Yan ang naging sagot ng Kapamilya hunk actor nang tanungin kung dapat bang tanggapin muli o bigyan ng second chance ang isang taong nanloko ng karelasyon.
Naniniwala si Gerald na hindi madaling resolbahan ang ganitong sitwasyon pero aniya, posible namang magkaayos muli ang dalawang taong tunay na nagmamahalan.
“Mahirap yun. That’s hard kasi nasira na ’yung trust eh, kumbaga may lamat na ’yun eh,” ang pahayag ng aktor sa ginanap na online presscon para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang “A Family Affair”.
Dagdag pang sabi ng boyfriend ni Julia Barretto, “Ang pinakaimportante is stay together. Kaya naman, but hindi siya madali.
View this post on Instagram
“You just have to earn the trust again, start from zero, hindi lang zero, negative pa ’yan, di ba? Kailangan mong patunayan uli ’yung sarili mo (du’n sa taong niloko mo),” lahad pa ni Gerald.
Ang pahayag na ito ng binata ay swak na swak sa top trending topic ngayon sa social media, ang nakaka-shock na hiwalayan ng mag-asawang Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.
Sa kanyang official statement, inamin ni Jason na naging unfaithful siya kay Moira kasunod na paghingi ng tawad niya sa asawa at sa lahat ng taong nasaktan sa nagawa niyang kasalanan.
Kaliwa’t kanang negatibong komento ang ibinabato ngayon kay Jason dahil sa panloloko niya kay Moira at halos ganito rin ang nangyari kay Gerald noong maghiwalay sila ni Bea Alonzo taong 2019.
Ang itinurong third party sa breakup ng dalawa ay si Julia na karelasyon na nga ngayon ng aktor. Inakusahan din ni Bea ang ex-dyowa ng panggo-ghost sa kanya matapos daw itong mawala ng parang bula.
Sa panayam ni Boy Abunda kay Gerald, natanong siya kung plano niyang mag-reach out kay Bea at sa boyfriend nitong si Dominic Roque.
“More siguro kay Bea. Huwag na po tayo siguro mandamay ng ibang tao. I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nag-ho-hope lang ako,” aniya.
Samantala, malapit n’yo nang mapanood ang “A Family Affair” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN kung saan makakasama ni Gerald sina Ivana Alawi, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake.
https://bandera.inquirer.net/309925/maris-racal-ayaw-sa-second-chance-may-tips-para-maka-move-on-sa-dating-dyowa
https://bandera.inquirer.net/100438/umabot-na-sa-1-2-m-views-ang-teaser-ng-one-more-chance-2
https://bandera.inquirer.net/287364/rufa-mae-napabayaan-ang-sarili-inatake-ng-depresyon-sa-us-pero-lumaban-ako-at-kinaya-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.