Cassy love na love si Darren: I’m lucky to have met a person who literally understands all parts of me... Bandera

Cassy love na love si Darren: I’m lucky to have met a person who literally understands all parts of me…

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Cassy love na love si Darren: I’m lucky to have met a person who literally understands all parts of me…

Ervin Santiago May 29, 2022 - 06:39 AM

Darren Espanto at Cassy Legaspi

ANG paniwala ng maraming netizens, mukhang may “something” na nga sa pagitan nina Cassy Legaspi at Darren Espanto.

Hindi pa man diretsahang umaamin ang dalawang bagets sa tunay na estado ng kanilang relasyon, feeling ng kanilang mga fans, ibang level na ang kanilang special friendship.

Sa sunud-sunod na post ng Kapuso actress at TV host sa Instagram, ramdam na ramdam din namin kung gaano niya ka-love si Darren at ang feeling namin, more than “friendship” na ang turingan nila sa isa’t isa.

Sa birthday greeting ng dalaga kay Darren noong Martes, May 24, tila nabuking na ang tunay na relasyon ng dalawa na ikinakilig naman ng kanilang mga tagasuporta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


Kalakip nito ang ilang photos at videos nila ni Darren na kuha sa kanilang bonding moments sa ilang mahahalagang araw na kanilang pinagsamahan at ipinagdiwang.

“I really appreciate you and I’m happy to have you in my life. And as usual, you know the rest D!!!”

“Again, happy happy birthday!!” ang pagbati ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kay Darren.

Sa isa pa niyang IG post, tinawag ni Cassy na “effortless” ang “friendship” nila ng Kapamilya singer-actor,  “I love how everything about our friendship is so effortless (…literally we don’t even have to talk to each other to get it, we just do).

“It’s honestly scary how we slowly started acting/talking like each other…

“I’m lucky to have met a person who literally understands all parts of me,” mensahe pa ng “First Lady” star sa kanyang special friend.

Matagal nang nali-link sina Darren at Cassy ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang inaamin o dinedenay. May mga fand na nagsasabi na matagal na raw na may mutual understanding ang dalawa pero hindi pa sila handang umamin sa publiko.

Meron namang nagkokomento na friends lang daw talaga ang dalawa dahil iba naman daw ang natitipuhan ni Darren at may iba ring type si Cassy.

Naging star-studded ang advanced birthday celebration ng binatang singer last May 20, na dinaluhan nga ni Cassy at ng iba pa niyang celebrity friends.

Carmina boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy?

Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

Sharon: Gusto kong maging part ng family nina Regine at Ogie!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending