Scarlet Snow pangarap na maging pulis paglaki, bakit kaya?

Scarlet Snow pangarap na maging pulis paglaki, bakit kaya?

NAGKAROON ng tsansa ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo na makapanayam ang kanilang anak ni Hayden Kho na si Scarlet Snow.

Sa kanyang YouTube vlog na inilabas kahapon, May 26 ay isa sa mga natanong ni Dra. Vicki sa anak kung ano ang nais nito paglaki.

Dito nga ay nabanggit ni Scarlet Snow na nais niyang maging pulis paglaki.

Sobrang cute naman ng naging rason ng bata kung bakit nais niyang maging pulis paglaki.

“I was thinking a police, but that’s only just because I want a dog,” saad ni Scarlet Snow.

Dagdag pa niya, “I want to have a dog that’s why I want to be a police or a firefighter because they have dogs!”

Sa huli ay inamin na rin ni Scarlet Snow na ang gusto niya lang talaga ay maging dog owner.

Aminado si Dra. Vicki Belo na talagang mahilig sa hayop partikular sa mga aso ang kanyang unica hija kay Doc Hayden.

“Dogs are my second favorite [aside] from Pokemon but since there’s no such thing as pokemons, I choose dogs!” pagkukwento ni Scarlet Snow.

Sa katunayan ay may tatlong alagang aso ang pamilya nila Dra. Belo na siyang tinuturuan nila ng mga tricks.

Ipinakita pa nga nito sa isang maikling video clip kung saan tinuturuan ni Scarlet Snow ang isa sa kanilang aso ng mga tricks gaya ng pag-upo, pag-tayo, at pag-ikot.

Tinanong rin ni Dra. Vicki kung minsan ba ay naisip ni Scarlet kung bakit maraming tao ang nais magpa-picture sa kanya kapag nakikita siya ng mga ito.

Diretsahan naman itong sinagot ng bata at sinabing nagpapa-picture ang mga tao dahil sikat siya at masaya naman daw siya sa tuewing nakapagpapasaya siya ng tao pero dahil bata pa siya ay paminsan, hindi rin nito maiwasan na minsan siya happy lalo na rin siguro kung busy ito sa paglalaro.

 

Related Chika:
Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

Vicki Belo tumalon mula sa umaandar na kotse para takasan ang ka-date: Tumakbo talaga ako at nagtago!

Scarlet Snow gusto nang maging big sister, humirit ng bagong baby kina Vicki at Hayden

Read more...